THOUGHT PICKS: The love of my life ruined me

To all the liars, cheaters, and their victims... this letter is for you.

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

3/14/2018 in THOUGHT PICKS
THOUGHT PICKS: The love of my life ruined me

Isang open letter sa asawa kong bading na nang-iwan sa'kin 

by Lianne Hidalgo Reyes

Dear Gary, 

Kung about sa paglaladlad mo, I'm sure maraming tao susuportahan ka. Papalakpakan ka kasi ang tapang-tapang mo. Talo mo pa ang hero, against all odds. 

Pinakasalan mo ang lalaking mahal na mahal mo. Isa kang inspirasyon sa mga kloseta. Pero dati ako lang ang mahal mo, 'di ba? Kaso ngayon hindi na. Part na lang ako ng nakaraan mo at wala na 'kong kwenta sa'yo. 

'Yung totoo, hindi ka hero. Kasi ang totoong hero, hindi nananakit ng iba. Especially ng mga taong malapit sa kanila. At ngayon, nararamdaman ko ulit 'yung sakit na 'yun 'pag napapanood ko 'yung wedding video ng jowa mo. 

Ganun-ganun mo na lang tinapon ang pagsasama natin. Parang basura lang ang lahat ng 'yon para sa'yo. 

Sana dumating ang panahon na hindi na kailangang magsinungaling ang isang bading na kagaya mo at manggamit pa ng iba para pagtakpan ang tunay na pagkatao nila. 

Gusto kong intindihin ang pinagdaanan mo. Pero ayokong magpanggap. Winasak mo 'ko. For 15 years, pinaniwala mo 'ko na nagmamahalan tayo. Pero one-way lang lahat. Traydor ka. Kaya pala laging nawawala ang mga panty ko dahil sinusuot mo rin. 

O ngayon, masaya ka na? Kasi malaya ka na. Samantalang ako, naiwan dito sa isang sulok, durog na durog. 

Mas durog pa sa pamintang bakla. Dahil sinira mo 'yung buhay ko hayop ka.

(As seen in the blockbuster comedy drama "Ang Dalawang Mrs Reyes") 

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER