• Home
  • Blog
  • Reggee's Digest
  • REGGEE'S DIGEST: Producer, ikinuwento ang pinagdaanan sa pagtahi ng 'The Significant Other'

REGGEE'S DIGEST: Producer, ikinuwento ang pinagdaanan sa pagtahi ng 'The Significant Other'

Ano nga ba ang sinuggest ni Direk Maryo para sa "The Significant Other"?

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

2/23/2018 in REGGEE'S DIGEST
REGGEE'S DIGEST: Producer, ikinuwento ang pinagdaanan sa pagtahi ng 'The Significant Other'
Kaliwa’t kanan ang pagbati sa isa sa Cineko producers na si Mayor Enrico Roque sa nakaraang premiere night ng "The Significant Other" na ginanap sa Trinoma Cinema 2 nitong Lunes, Pebrero 20.
 
Napuri namin ang bilis ng pelikula at inamin sa amin ng butihing mayor ng Pandi, Bulacan na tinutukan niya talaga ang editing ng "TSO."
 
“Talagang tinutukan ko ang editing, talagang ipinagpilitan ko kay Direk Joel (Lamangan) na tanggalin na ‘yung mga hindi naman kailangan para hindi ma-bore ang manonood. Kasi alam ko ayaw ng tao ‘yung mabagal ang takbo, gusto mabilisan,” kuwento ng mayor sa amin.
 
Inaabot nga raw siya hanggang 3 a.m. at uuwi ng bahay at saka gigising nang maaga dahil may iba naman siyang trabaho bilang mayor.
 
Sabi pa ni Mayor Enrico, “Salamat at nasulit lahat ang pagod namin sa pagtutok sa production hanggang matapos ang pelikula.”
 
Walang formal training o school ang Cineko producer para malaman niya ang technical aspect sa paggawa ng pelikula.
 
“Mahilig lang akong manood ng foreign films tapos ina-apply ko sa mga pelikula natin dito.  Maski paano may natutunan naman ako kaya sabi ko subukan ko nga sa mga pelikula ng Cineko. So far, okay naman ang resulta, nagustuhan n’yo ba?”say pa.
 
Nalaman din namin na dapat ay pang-2017 Metro Manila Film Festival ang "The Significant Other" na blessing in disguise dahil hindi ito umabot sa deadline.
 
Kuwento pa ni Mayor Roque nang mapanood daw ni Direk Maryo J. de los Reyes (SLN) ang raw copy ng "The Significant Other" ay nag-suggest daw na lagyan ng maraming close-ups sina Lovi Poe at Erich Gonzales dahil si Direk Joel daw ay pawang long-shots ang ginawa.
 
“Siyempre, may mga suggestion kami kay Direk Joel na galing kay Direk Maryo.  ‘Yung long shot ni Direk Joel, may ibinigay kami na mas maganda sigurong gawing close-up at naging maganda naman.”
 
Ang ending ng pelikula ay ideya ni Mayor Enrico, Aniya, “siyempre as a producer, may mga gusto tayong mangyari, 'di ba, so sabi ko kay Direk Joel na pumayag naman siya at nakita naman niyang naging maganda ang outcome na imbes na si Tom (Rodriguez) lang ‘yung ipapakita sa ending, why not silang tatlo?
 
“Nakita ninyo tig-iisang frame sila, si Tom, nasa gitna tapos ‘yung dalawang kotse nina Erich at Lovi ipinakitang parehong umaalis. Inihabol lang namin ‘yun, hindi ba mas maganda?”
 
As of this writing ay masaya ang Cineko producers kasama na ang Star Cinema na distributor ng "The Significant Other" na palabas ngayon sa 170 theaters.
 
Bukod kina Tom, Erich, at Lovi ay kasama rin sina Snooky Serna, RS Francisco, Bernardo Bernardo, Dina Bonnevie at iba pa mula sa direksyon ni Joel Lamangan at script naman ni Erik Ramos.
 
Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc. 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER