REGGEE'S DIGEST: KZ, willing to work sa China?

Nagkapalitan na rin ba ng numero sina KZ at Jessie J?

Reggee Bonoan
by
Reggee Bonoan

2/15/2018 in REGGEE'S DIGEST
REGGEE'S DIGEST: KZ, willing to work sa China?
Pagkatapos ng internal mediacon para kay KZ Tandingan para sa unang pagharap niya sa media sa pagkakapanalo niya sa fifth episode ng "Singer 2018" ay nasolo namin siyang kausapin kasama sina MJ Felipe ng "TV Patrol" at Melba Llanera ng "Cinema News."
 
Wala palang makukuhang premyo ang mananalo sa "Singer 2018," pero marami ang gustong sumali rito na pawang sikat na singers sa iba’t ibang bansa. Pero ang producer ng nasabing kumpetisyon ang namimili at isa na si KZ.
 
Ayon sa Cornerstone artist ay hindi siya after sa premyo.
 
“Gusto kong i-represent ang OPM sa world stage at gusto kong maging paraan din ito para maraming opportunities na magbukas sa OPM artists,” pahayag ni KZ na tinawag na "cute" ni Jessie J.
 
Concert style ang konsepto ng "Singer 2018." 
 
“You get to do everything. Ang Chinese audience na nasa loob ng venue ay 500 lahat at sinasala sila. They applied to be part of the audience, kailangan may alam sila sa music and everything kasi magja-judge sila and iba ang demographics from 10 to 50 (years old), merong nakakapanood and they pay for the tickets. At ‘yung iba sa kanila ay naghihintay for six months to two years bago makapanood. Sobrang in-demand na show kaya walang hinihinging tickets,” kuwento pa ni KZ.
 
Ang Chinese audience ang bumoboto kung sino ang mananalo pagkatapos ng performance ng lahat na singers.
 
“Meron silang three ballots na ilalagay nila sa boxes kung sino ‘yung top three na gusto nila at dito bibilangin kung sino ‘yung pinakamataas na votes, ‘yun ang pagkakaalam ko,” sabi pa niya. 
 
At sa natitirang nine episodes ng "Singer 2018," kuwento ni KZ, “as a challenger dapat sa unang salang ko, hindi ako dapat mag-rank 8, kasi ito na ‘yung pinaka-lowest. So para mag-stay ako, dapat above number 8. Sa second performance ko kukunin ‘yung average ko sa first and second at kailangan pasok ako sa top four, kung hindi, babu na."
 
Every two weeks ng kumpetisyon ay may challenger at kapag natanggal ay may ipapalit.
 
"Two singers come in. Si Jessie J ay original member sa first seventh or eighth (season). Coco Lee was part of the second season and she won, past winner,” say pa ng dalagang singer.
 
Kumislap ang mga mata ni KZ nang tanungin tungkol kay Jessie J. Parang naiiyak na naman siya dahil fan girl talaga siya ng sikat na singer. Close na ba sila ni Jessie J pagkatapos ng pagkikita nila sa "Singer 2018"?
 
“Feeling ko lang, hehe. Pero sobrang na-appreciate ko na every time na nakikita niya ako, ini-encourage niya ako at every time na magkatabi kami at naghihintay ng results, hinahawakan niya ang kamay ko kasi alam niyang kinakabahan ako. Kaya sobra ko siyang na-appreciate. Kahit alam niyang sobrang faney na faney ako sa kanya, she doesn’t make me feel na I’m below her,” say ni KZ.
 
Gulat na gulat si KZ nang siya ang tanghaling winner ng fifth episode dahil kuntento na siya sa second place dahil nga sa isip niya ay para kay Jessie J talaga ang unang puwesto at inunahan na niyang magpasalamat para sa ikalawang puwesto dahil sila na lang ang dalawang hindi pa natatawag.
 
Ayaw mo matalo si Jesse J? Tanong ko. 
 
“Hindi, eh! Kasi nga kung makita lang ninyo ang reaksiyon ko kapag nagpe-perform siya, sila (contestants), sila parati ‘yung pumipigil na, ‘Beh, masyadong fan na fan ang dating.’
 
“Siyempre kung ano ako ngayon, napakalaking factor ni Jessie J. Kumbaga, ‘yung mga kalokohang ginagawa ko sa stage, minana ko lang sa kanya. Naging malaking influence sa akin si Jesse J, pero hindi ko naman siya ginagaya, ang dami kong natutunan sa kanya na ngayon ay ini-incorporate ko sa sarili kong style,” pag-amin ng Soul Supreme ng Pilipinas.
 
Tinanong namin kung nagkapalitan na sila ng numero.
 
“Hindi po, nahiya ako,” napangiting sabi ni KZ.
 
Hirit namin kung sa pakiramdam niya ay pinapanood na ni Jesse J ang videos niya bilang paghahanda sa susunod na episodes.
 
“Hindi ko nga po alam, wala ngang panahong matulog ‘yun eh. Kung ako nga pagod din ang lapit lang ng Pilipinas sa China, how much more siya sa pauwi-uwi ng LA (Los Angeles, USA), tapos may mga shows at gigs pa. RM (road manager), alam?” natawang punchline ni KZ. “Sobrang bait po talaga niya, walang kabahid-bahid na nakikipag-compete.”
 
Samantala, open si KZ sa offers sa China kung kinakailangan niyang manatili roon. Sa ngayon, ang offer lang ay para i-promote ang "Singer 2018."
 
Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.  
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER