REGGEE'S DIGEST: KZ, malaki ang laban sa 'Singer 2018'?

Paano nga ba nag-"let go" si KZ sa kanyang trending performance sa "Singer 2018"?

Reggee Bonoan
by
Reggee Bonoan

2/12/2018 in REGGEE'S DIGEST
0
REGGEE'S DIGEST: KZ, malaki ang laban sa 'Singer 2018'?

Nakabalik na ng Pilipinas si KZ Tandingan kahapon, Linggo, February 11, mula sa China kung saan siya ang nanalo sa fifth weekly episode ng singing competition na "Singer 2018" produced by Hunan Broadcasting System (HBS).

Umapaw ang pagbati kay KZ sa social media at sabay post na rin ng performance niyang awitin ni Adele na "Rolling in the Deep" na labis na hinangaan ng Chinese audience na bumoto sa kanya at maging ang mga katunggali niya ay napapailing nung nag-rap siya.

Unang attempt ni KZ bilang challenger sa fifth weekly episode ng "Singer 2018" at nakuha niya kaagad ang unang puwesto na sinundan naman ni Jesse J; ikatlo si Hua Hua at ikaapat si Wang Feng.

14 weekly episodes daw lahat at may siyam na episodes pa para malaman kung sino ang tatanghaling "Singer 2018" ng China.

Sabi sa amin ni Jeff Vadillo, Cornerstone Vice President, “Weekly ‘yung competition so as long as hindi si KZ nasa lowest spot tuloy lang siya sa show. 14 episodes ang show, nasa fifth na tayo.”

Sabi naman namin kay Erickson Raymundo na manager ni KZ at President and CEO ng Cornerstone ay tiyak na ang panalo ng Soul Supreme dahil sa nakitang performance niya na ikinagulat ng mga nakapanood.

“Naku magagaling lahat. Professional singers kasi lahat tsaka 'di mo pa din alam ano gusto ng Chinese market. Pero may laban si KZ talaga. Jesse J is consistently good,” say sa amin ni Erickson.

Samantala, nag-post naman si KZ sa Instagram ng kanyang larawan na kuha mula sa stage ng "Singer 2018" kung saan sinabi niyang ipinaubaya niya sa Panginoon ang kanyang performance at hindi makapaniwala sa kinalabasan nito. 

 

 

A post shared by KZ (@kztandingan) on

 

Ito ang kanyang mga sinabi:

"I took a couple of deep breaths and i just whispered, 'Lord, now it is time for You to take over.' I went to China with only my love for music, my dreams and the support of my loved ones. I don’t even think anybody in China knew me. Hehe It felt like I was jumping off a cliff and just hoping there's a little cushion of acceptance at the bottom. 

"I was scared the Chinese audience wouldn’t appreciate how odd I am as an artist but I was surprised. The moment I walked out, they were on their feet, cheering and welcoming me like I’m someone they already know. I sang my heart out and I did what I could. 

"After performing, I told my manager, 'sir, whether I survive the challenge round or don’t, I’m gonna come home happy and proud because I did everything I could.' That night, It wasn’t just me doing the performance, It was God, singing, moving and performing through me. When I asked Him to take over, He really did. He showed up, and He showed out, beautifully. Using someone as little as me to show how amazing He is. 

"Thank you everyone for all your support! I will forever cherish this in my heart! I will continue to do my best."

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc. 

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER