• Home
  • News
  • THANKSGIVING SPEECHES: CarGel + Direk Dan Villegas are thankful for 'Exes Baggage' success

THANKSGIVING SPEECHES: CarGel + Direk Dan Villegas are thankful for 'Exes Baggage' success

Plus: Every single compliment Carlo Aquino and Angelica Panganiban gave each other in their speeches!

Chandral Selim
by
Chandral Selim

10/23/2018 in News
THANKSGIVING SPEECHES: CarGel + Direk Dan Villegas are thankful for 'Exes Baggage' success

If there are three people who didn't expect but hoped intensely for "Exes Baggage" to be successful, they'd be Direk Dan Villegas and his two stars Carlo Aquino and Angelica Panganiban.

Today, October 23, they celebrated the worldwide success of their film with their crew, fellow cast members and ABS-CBN executives, Chairman Mark Lopez, President and CEO Carlo Katigbak, and Star Cinema Managing Director Inang Olive Lamasan at the "Exes Baggage" Thanksgiving Party. Read the transcripts of their speeches here:

ANGELICA PANGANIBAN

Thank you at congratulations sa atin. Nakita ko 'yung trabaho, naramdaman ko 'yung sarili ko and hindi naman siguro mangyayari 'yun kung wala 'yung tulong ni Direk Dan Villegas. Nagtiwala lang naman ako. Siyempre noong umpisa, ang dami naming takot dalawa ni Carlo Aquino kasi hindi namin alam bakit kami binibigyan ng opportunity, ang daming mga materyal na binibigay sa amin. Hanggang sa umabot kami sa point na 'wag na lang tayong gumawa ng pelikula kasi baka may ma-offend tayong mga kumukuha sa atin.' So, inisip namin talaga, hanggang sa finally, ito 'yung kinuha namin. 

Siyempre noong patapos na 'yung pelikula, nag-iisip kami kung tama ba 'yung decision natin, na sa Black Sheep natin binigay at 'Exes Baggage' 'yung ginawa natin? Siyempre hindi maaalis sa akin na mag-iisip din ako na hindi ko alam, sana, kasi ginawa namin 'yung lahat, ginawa natin lahat 'yung best natin. And surprisingly, basta pala talaga binigay mo 'yung mas sobra pa doon sa alam mong kaya mong ibigay, at magtiwala ka sa mga katrabaho mo, ito rin pala 'yung mararating niyo.

First ko rin naman 'to, first na makagawa ng ganitong pelikula na magiging importante siya sa akin dahil siyempre, kumita siya ng ganito kalaki. Nakakayabang, ang sarap sa pakiramdam, ang overwhelming sa pakiramdam at humbling at the same time kasi ang tagal-tagal na namin sa industriya, sinong mag-aakala na papanoorin pa rin kami ng tao? Kaya thank you, sa pag-iisip niyo po na bigyan kami ng ganitong project.

Noong mga bata kami, nanonood lang kami ng mga pelikula, sabi namin gusto namin magkaroon ng ganyan and ayan nagkaroon kami, tapos naging sobra kaming successful. Thank you po, sana hindi siya matapos dito, and sorry din sa mga nakakabwisit talaga, nakakapagod, minsan nagkakapikunan na, 'onti na lang mag-aaway na tayo at 'yung iba talaga nag-aaway-away na pero talagang dala na lang din ng stress, at naging maganda naman 'yung kinalabasan. 

Salamat talaga na hinintay niyo kami at sa amin niyo binigay ang unang pelikula ng Black Sheep! Nagpapasalamat ako kay God at hindi niya ako dinala sa ospital, noong mga panahong puyat na puyat na, muntik-muntik lang, nagsusuka na ako sa pagod sa garahe sa set. Pero tuloy ang laban so, congratulations at sana mas marami pa tayong magawa. Ang dami kong natutunan sa inyo.

Masaya ako na nakatrabaho kita ulit, Carlo, ang saya-saya sa pakiramdam na mayroon kang ganyan kahusay na katrabaho. Hindi ko kailangan umarte 'pag andiyan ka, wala akong kaproble-problema, ginawa mong napakagaan at napakasaya lang ng journey na 'to. So thank you, thank you nakaka-miss ka at mami-miss kita kapag may mga iba na ulit akong makatrabaho. 

Hindi ko alam kung ayaw mo na mag-artista, baka gusto mong magpahinga na ulit. Moody po ito, minsan ayaw na niya, 6 years siyang magpapahinga ulit, mag-isa na naman ulit ako, wala na naman akong ka-love team. Wala na namang CarGel, kung kani-kanino nanaman ako ipe-pair. So ayan finally, thank you sa opportunity na bigyan mo ulit ng chance ang isang Angelica na makatambal ka. 

'Yan 'yung Carlo Aquino naman, minsan lang gumawa pero grabe. Kasi nagtago! Kaya na-excite 'yung mga tao, na-shock sila sa'yo ang laki ng arms mo, ang sarap mo doon sa  pelikula. Alam mo 'yung kalahati siguro ng kinita, 'yun 'yung pinanood, ako nga parang gusto ko ulitin, eh. Na-realize ko lang, ang sarap kasi!

CARLO AQUINO

Congratulations po sa ating lahat. Hindi ko alam kung bakit pasalamat kayo ng pasalamat dahil ginawa namin 'to ni Angelica, pero sa totoo lang kami dapat 'yung nagpapasalamat. Inang, thank you sa opportunity. Sa Black Sheep, kasi kami 'yung panganay niyo, sobrang laki ng utang na loob ko at ako 'yung naisip niyong kapareha kay Angge. Pwede namang iba. Siyempre, Dan maraming salamat sa panaka-naka mong payo. At sa inyo [sa crew], mahal na mahal ko kayo. Salamat.

Sir Carlo, Sir Mark, thank you din. Parang tumatanggap lang ako ng award. Kasi hindi ko alam sasabihin ko, kanina nga hindi ko alam 'yung isusuot ko. Thank you, maraming, maraming salamat. 

Angge, Mom, Jowa, kahit na nangayayat ka na, kahit sumusuka ka na sa set, hindi mo na alam ang nangyayari, maraming, maraming salamat na nandito ka, kasama kita ngayon dito.

DAN VILLEGAS

Kay Carlo at kay Angge, [salamat sa] tiwala. [One time] nagse-set-up, tapos nag-uusap kami ni Caloy (Carlo Aquino) tungkol sa simpleng insecurities about sa pelikula, first time ko po kasi sa 9501 (the restaurant at one of the top floors of ELJ Communications Building where all important functions are held, especially thanksgiving or victory parties of successful films). So, ganito pala 'yung feeling. So, ayun nag-uusap kami na may mga takot ka, paano kung hindi kumita, paano kung hindi tanggapin nang maayos ng mga tao, tapos sabi ni Angge: 'Kumalma kayo, dadalhin ko kayo sa 9501. Kumalma kayong dalawa!' At ginawa niya talaga.

Tapos parang, 'yung actors kasi hindi ko na sila kailangan purihin as actors kasi napanood niyo naman 'yung pelikula kaya hindi ko na pupurihin, but they go the extra mile. More than doing the film, 'yung promo andoon, nafe-feel mo na gusto nilang mag-succeed 'yung pelikula. You can tell an actor is good when he acts good, but 'yung attitude kasi, that's what makes them great, 'yung attitude nila sa labas ng paggawa ng pelikula. Kaya maraming salamat sa inyong dalawa, dahil sa inyo, nakatungtong ako dito. 

Exes Baggage" is still showing in local and international cinemas. The first offering of Black Sheep, a new production outfit under ABS-CBN Films, it has earned 355.5 million worldwide. 

Read more related articles here:

IN PHOTOS: CarGel's star-studded 'Exes Baggage' Black Carpet premiere!

All the CarGel kilig + a special KathNiel appearance at the ‘Exes Baggage’ Black Carpet premiere!

ABS-CBN Ball 2018: Vice Ganda's Coco Martin and CarGel sightings will make you LOL!

10 kilig-inducing photos of CarGel being total 'exes goals'

OMG! CarGel's 'Exes Baggage' blessed with P270M in worldwide earnings!

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER