REGGEE'S DIGEST: Kris won't 'wrestle with pigs'

Kris, classy sa sagot sa bagong kontrobersyal na komento tungkol kay Bimby

Reggee Bonoan
by
Reggee Bonoan

1/26/2018 in REGGEE'S DIGEST
0
REGGEE'S DIGEST: Kris won't 'wrestle with pigs'
Viral ang komento ng kilalang male radio host na si Jay Sonza tungkol sa bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby Aquino Yap tungkol sa pagkakadulas nito sa swimming pool nila kamakailan.
 
Sobrang foul ang mga pinagsasabi ng nasabing radio host na dating may TV show.
 
As expected, hindi pinalampas ni Kris ang sinabi ng kilalang radio host dahil kinanti ang anak niya. Alam naman nating lahat na 'pag tungkol sa mga anak ay nagiging "tigre" ang Queen of Online World and Social Media.
 
Nag-post ng quotation si Kris sa kanyang Instagram mula kay George Bernard Shaw ng 1 a.m. kanina, January 26.
 
“Never wrestle with pigs.  You both get dirty and the pigs like it.”
 
At pagkalipas ng isang oras (2 a.m.) ay nakakuha na ng 5, 963 likes at habang tinitipa namin ito ay umabot na sa 17,833.
 
Pawang pakiki-simpatiya ang mga sinabi ng followers ni Kris.
 
Imbes na pangalanan ni Kris ang kilalang male radio host ay ikinuwento na lang niya ang tungkol sa 40 product endorsements niya na ibig sabihin ay mas pinagkakatiwalaan siya ng publiko. 
 
Ikinuwento rin ni Kris na pinalaki siya ng magulang nila na matutong gumalang at maging responsable sa lahat ng bagay.
 
Aniya, “pasensya na pero hindi ako pinalaki para makipagsapalaran sa kabastusan. I strive to earn an honest living, pay my 35% in income tax as a responsible citizen, share my blessings by opening more food outlets that will provide more jobs, continue supporting feeding & outreach programs under the missions of my Catholic Faith, and above all else be the best mother I can be.
 
“My Mom (late president Cory Aquino) didn’t raise me to just be a survivor, she raised me to be a deserving winner. Kick me down, and time has taught me - someone in heaven just makes sure to strengthen my wings. #positivitywins.”
 
Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc. 
 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER