• Home
  • News
  • THOUGHT PICKS: How to trick yourself back to happiness

THOUGHT PICKS: How to trick yourself back to happiness

Angelica’s foolproof guide to moving on

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

1/23/2018 in News
THOUGHT PICKS: How to trick yourself back to happiness

Mahirap mag-move on. 

Mahirap. 

Umaasa ka eh, tapos iniwan ka? Edi wow. 

Makaka-move on din tayo guys. Tiwala lang tayo, guys. Dasal, tiwala, ubos ng pera, biyahe nang biyahe. Gawin na natin lahat hanggang maka-move on. Panggap tayong masaya, maniniwala din tayo na, “Wow, in fairness ah. Sumasaya ako.”

Kidding aside, totoo ‘yun. Nag-start ako sa pagpapanggap eh. 

Papanggap na lang muna ako na okay ako. Saya-sayahan ako. Baliw-baliwan, pagtatawanan ko lang lahat ng ‘to. Eventually, ‘yung saya-sayahan ko, naging totoo siya.

“My God, masaya na talaga ako.” My God, gumigising ako ng, “Ay hindi na 'ko malungkot o. Kalahati na ‘yung araw, in fairness, hindi ko siya naisip. Hindi ko siya iniyakan kaninang umaga or hindi ako umiyak kagabi bago ako matulog. 

Siguro magsa-start talaga ‘yan, ‘pag may ginawa ka na for yourself. 

Pero hangga't wala kang ginagawa, hangga't nagdu-dwellka dun, sa pain, dun sa past, wala talagang mangyayari. Or maso-slow down natin ‘yung pagmu-move on. 

‘Pag tinake mo ‘yung first step na nag-decide ka, totoo man o hindi na masaya ako, pagpipilitan ko na, “Masaya ako. Gagawin ko lang ang magpapasaya sa’kin.” 

Then makikita mo na lang, tuluy-tuloy na ‘yun. Tapos ‘pag nabalikan mo ‘yung mga masasakit, matatawa ka na lang. 

Napaka-cliche niya, lagi siyang sinasabi pero totoo siya. Na-experience ko siya eh. 

Ganun na ganun eh.

- Angelica Panganiban, as said on “Ask Angelica” Season 2. 

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER