REGGEE'S DIGEST: Herbert officiates wedding of Bimby's nanny
Kris, talking about Bimby: "Please explain why things have to change and how come people he loves and gets attached to end up leaving?"
Reggee Bonoan
by Reggee Bonoan
1/10/2018 in REGGEE'S DIGEST
0
REGGEE'S DIGEST: Herbert officiates wedding of Bimby's nanny

Hindi na nagi-iyak si Bimby Aquino Yap kahapon ng tanghali habang ikinakasal ni Quezon City mayor Herbert Bautista ang Yaya Racquel niya sa asawa nitong si Jun Aries Confesor.
 
Matatandaang noong Oktubre 2015 nang ikasal ang Yaya Gerbel ni Bimby ay talagang naglulupasay siya sa iyak na akala ng lahat ay aatakihin na siya dahil hindi na makahinga.

Hindi naman din kasi maiwasang hindi maging ganun ang reaksyon ng bata dahil nakagisnan na niya si Yaya Gerbel na nagpalaki na rin sa kanya.

At dahil nag-mature na si Bimb ay may I smile na lang siya kahapon sa kasal ni Yaya Racquel with matching pictorial pa.

Kuwento ng staff ni Kris na si Jack Salvador tungkol sa kasalang ginanap, “’yung nanay nung groom pinauwi ni Madam (Kris) kahapon all the way from Bacolod. Sagot ni Madam (fare) then after kasal ngayon sagot ni Madam ‘yung reception sa Sweet Inspiration. Hindi lang nakapunta si Madam kasi may taping pa siya pero nandun naman si Kuya Joshua (Aquino).

Si Kris ang tumayong ninang ng mga ikinasal.

Nag-post din si Kris sa kanyang Instagram account ng mga larawan mula sa kasalan, at may solo pa siya with Herbert! 

 

 

A post shared by 🇵🇭 Kris Aquino (@krisaquino) on

 

Sa kanyang caption, inihayag ng Queen of All Media na nagkaroon sila ng heart-to-heart talk ni Bimby ng lagpas alas-tres ng madaling-araw. Malalim ang tanong niya sa ina, huh.

Saad niya, "Poor Bimb, he didn’t cry anymore the way he did when Gerbel got married- but he was asking me for a heart to heart talk at 3:30 AM, telling me to please explain why things have to change and how come people he loves and gets attached to end up leaving? 

"Can anybody really ever answer that? I just embraced him & told him we should be happy that people we love have found true & lasting love... and now we just have to pray extra hard that Bincai doesn’t fall in love, amen. ❤️❤️❤️"

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc. 

Tags: Kris Aquino 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER