REGGEE'S DIGEST: What's up, Kean?
Kean, may bagong pinagkakaabalahan?
Reggee Bonoan
by Reggee Bonoan
9/13/2017 in REGGEE'S DIGEST
0
REGGEE'S DIGEST: What's up, Kean?

Isa si Kean Cipriano sa Sing-gastigator sa reality show na "I Can See Your Voice" na number one show sa Korea at may franchise na rin sa Vietnam, Bulgaria, Indonesia. at apat pang bansa.
 
Kasama rin sina Angeline Quinto, Andrew E, Alex Gonzaga, at Wacky Kiray bilang celebrities na huhula kung sino ang “seen-tunado” at "see-nger" sa kasaling contestants. Si Luis Manzano ang host ng programa. Mapapanood ito simula ngayong Sabado, Setyembre 16, sa ganap na 9:30PM.
 
Bukod sa pagiging singer-actor ay nagdidirihe rin si Kean ng music video (bukod sa ngayon ay may ginagawa siyang apat na pelikula). Siya ang nagdirek kay Tony Labrusca sa "Tanging Ikaw" kasama si Isabel Ortega na trending ngayon sa YouTube.
 
Siya rin ang direktor ng "Tunay Na Pag-Ibig" music video ni Sam Milby mula sa album nitong "Sam: 12" under Star Music kasama ang 2016 Binibining Pilipinas International na si Kylie Versosa.
 
Siyempre, hindi rin tinatalikuran ni Kean ang grupo niyang Callalily dahil dito siya nakilala nang husto.
 
At higit sa lahat, ideal husband siya ni Chynna Ortaleza at doting father ng anak nilang si Stellar na mahigit isang taon na ngayon.

 

Tags: Kean Cipriano 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER