• Home
  • Blog
  • Reggee's Digest
  • REGGEE'S DIGEST: Paulo refutes comparisons of new teleserye to 'Goblin,' 'Age of Adaline'
REGGEE'S DIGEST: Paulo refutes comparisons of new teleserye to 'Goblin,' 'Age of Adaline'
Paulo: "It's an original teleserye"
Reggee Bonoan
by Reggee Bonoan
8/31/2017 in REGGEE'S DIGEST
0
REGGEE'S DIGEST: Paulo refutes comparisons of new teleserye to 'Goblin,' 'Age of Adaline'

Sa pocket presscon ng "The Promise of Forever" ay itinanggi ng program manager na si Ethel Espiritu na magkaiba ang kuwento ng bagong serye sa Korean dramang "Goblin" na pinagbidahan nina Gong Yoo, Lee Dong Wok, Kim Go-eun, Yoo In-na, at Yook Sungjae na ipinalabas sa ABS-CBN.

 

Pati sa pelikulang "Age of Adaline" na ipinalabas noong 2015 dito sa bansa ay malayo rin.

 

Dagdag sagot ng bida ng serye na si Paulo Avelino, “actually, matagal ng konsepto ito na nakasabit yata sa Dreamscape (Entertainment), parang five years ago or six years ago, narinig ko rin itong concept na ito, hindi pa ako ‘yung artista.

 

“I would say it's an original teleserye na pinaghirapan rin ng mga creatives natin to make it different and not to make it similar to 'Age of Adaline' or even 'Goblin,' nauna kami, joke! Hahaha.”

 

Kinunan ang "The Promise of Forever" sa mga bansang Prague, Czech Republic, Bruges, Belgium, Amsterdam, The Netherlands at Krakow, Poland kaya tinanong si Paulo kung anong bansa at memories ang gusto pa niyang balikan noong ginawa nila ang serye.

 

“To be honest it’s not easy shooting abroad, especially since hindi naman kami pelikula na you bring the whole crew, you bring the lights and people, kumbaga skeletal crew lang.  But I really enjoyed working with small groups dahil parang you can control everything, everyone helping each other, everyone knows their duties.  It’s tiring but it works for the better," saad ng aktor.

 

Kasama ni Paulo sa "The Promise of Forever" sina Ritz Azul, Ejay Falcon, Cherry Pie Picache, Amy Austria-Ventura, Tonton Gutierrez, Benjie Paras, Eva Darren, Nico Antonio, Yana Asistio, EJ Jallorina, Karen Reyes, Zonia Mejia, David Chua Hyubs Azarcon, Lemuel Pelayo, Jimboy Martin, at Susan Africa.

 

Ang "The Promise of Forever" ay mula sa direksyon nina Darnell Joy Villaflor at Hannah Espia at mapapanood na ngayong Setyembre.

Tags: Paulo Avelino 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER