REGGEE'S DIGEST: Paulo, may pangakong hindi natupad?
Paulo, may pag-amin tungkol sa mga pangakong binitawan niya dati
Reggee Bonoan
by Reggee Bonoan
8/31/2017 in REGGEE'S DIGEST
0
REGGEE'S DIGEST: Paulo, may pangakong hindi natupad?

Sa ginanap na pocket presscon ng "The Promise of Forever" nina Paulo Avelino, Ejay Falcon, at Ritz Azul ay natanong ang una kung anong promises niyang sinabi sa iba na hindi niya malilimutan since tungkol naman sa pangako ang tema ng teleserye nila.

 

Nakangiting hirit ni Paulo, “that I broke?”

 

“Promises that I kept?  Hindi ako mahilig gumawa o magsabi ng pangako.  Siguro parang short term like ‘bibigyan kita ng fries, promise’ mga ganu’n lang.

 

“Mga hindi ko nagagawa ‘yung... siguro ‘yung promise ko sa sarili ko na lagi kong sinasabi na, ‘I'm gonna try harder this day or tomorrow tapos tatamarin ka lalo na kapag nanonood ka ng TV series o nagko-computer ka kaya tinatamad ka nang gawin, mga ganun, promise ko sa sarili ko ‘yung lagi kong nabi-break,” natatawang kuwento ni Paulo.

 

Balik-tanong namin, "Ano naman ang promise mo sa ibang tao?"

 

“Tina-try ko namang gampanan sa abot ng aking makakaya pero sadyang ulyanin lang talaga ako at hindi naman sa binabasag ko ‘yung ibang promise kundi nakakalimutan ko lang,” katwiran ni Paulo... "Oo, malilimutin talaga ako,”sabi sa amin.

 

Tinanong namin kung okay na pag-usapan ang anak niyang si Aki dahil gusto namin siyang hingan ng reaksyon na hindi siya nakadalo sa ika-pitong kaarawan nito.

 

“Well as I said earlier na his life is not for anyone to talk about, not for the people. With all due respect to the press and bloggers, it’s like you’re asking for my side and you quote something against or could trigger or could offend and asks something from the other side, batuhan lang ‘yan, eh.

 

“At the end of the day, it’s more affecting the kid tapos the kid has classmates, may mga magulang ‘yung classmates and may friends din. Eventually [they will] grow up and probably see these things and it’s not good for the kid,” malumanay na katwiran ng aktor.

 

Samantala, bukod kina Paulo, Ritz, at Ejay ay kasama rin sina Cherry Pie Picache, Amy Austria-Ventura, Tonton Gutierrez, Benjie Paras, Eva Darren, Nico Antonio, Yana Asistio, EJ Jallorina, Karen Reyes, Zonia Mejia, David Chua Hyubs Azarcon, Lemuel Pelayo, Jimboy Martin, at Susan Africa.

 

Ang "The Promise of Forever" ay mula sa direksyon nina Darnell Joy Villaflor at Hannah Espia at mapapanood na ngayong Setyembre.

Tags: Paulo Avelino 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER