REGGEE'S DIGEST: Yam, nagkomento tungkol sa closeness niya kay Coco

Plus, latest Instagram post ni Julia, nakapukaw ng atensyon ng netizens

Reggee Bonoan
by
Reggee Bonoan

8/14/2017 in REGGEE'S DIGEST
REGGEE'S DIGEST: Yam, nagkomento tungkol sa closeness niya kay Coco

Nagtatanong ang Instagram followers ni Julia Montes kung para kanino ang pinost niyang, “I was quiet, but I was not blind - Jane Austen" na may kuha siya sa terrace at nakatalikod.

Kay Coco Martin daw ba ito dahil nali-link kay Yassi Pressman?  

Pero hindi lang pala si Yassi ang involved dito, nabanggit din ang pangalan ni Yam Concepcion na madalas kaeksena ngayon ni Coco Martin sa "FPJ’s Ang Probinsyano" ngayong sumanib na ang karakter niyang si Cardo sa mga rebelde at tinawag siya sa pangalang Agila/Fernan.
 
Saktong naka-chat namin si Yam at tinanong namin kung gaano sila ka-close ni Coco.
 
“Nagiging close dahil siya na lagi kaeksena ko. Sarap niya ka-work!! Galing!” sagot ng dalaga nang maka-chat namin.
 
Inamin ni Yam na enjoy siya sa taping ng "Ang Probinsyano" dahil araw-araw ang taping. “Halos everyday na rin, four to five times a week. Sarap! Tiba-tiba,” kuwento nito.
 
At ang pagkakaalam ni Yam ay dalawang buwan lang siya sa "FPJAP."
  
“Dapat two months lang ako guest, June and July, pero ang saya dahil mukhang extended ako 'til Sept. Dipende siguro ‘yan sa reception ng tao. Bahala na, basta happy ako may trabaho.
 
"Actually ‘yung tandem ko with Coco, wala pa nga ‘yun. Usap lang ‘yun, parang nagfi-fish si Cardo tungkol sa Pulang Araw. Nagulat nalang kami, daming nagsabi parang puwede daw (love team), na may chemistry. Nangungusap daw mga mata namin, ha, ha, ha. Sabi nga niya (Coco) sa press con (#FPJAP100) matagal na raw niya 'kong gusto makatrabaho, same for me. Isang karangalan na makatrabaho ang isang Coco Martin.”
 
Oo nga, bagay na mag-love team din sina Yam at Coco.
 
Pero sa pagkakaalam namin ay malabo sa tunay na buhay sina Yam at Coco dahil taken na ang dalaga at engaged na nga yata.
 
Pero kaagad na klinaro ni Yam, “Hindi pa engaged, matagal pa, work muna, ipon muna.”
 
Ang boyfriend ni Yam ay sa Amerika nakabase, si Miguel CuUnjieng na kung hindi kami nagkakamali ay college friend niya.

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER