• Home
  • News
  • Bela Padilla triumphs over disability on 'Maalala Mo Kaya'

Bela Padilla triumphs over disability on 'Maalala Mo Kaya'

Bela Padilla plays the strongest of women on "MMK"

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

7/14/2017 in News
Bela Padilla triumphs over disability on 'Maalala Mo Kaya'

Baliko man ang kanyang likuran ay tuwid naman ang paninindigan ng isang babeng may madilim na nakaraan sa kwentong gagampanan ni Bela Padilla ngayong Sabado (July 15) sa “MMK.”

 

Bata pa lamang ay malaking dagok na agad ang naranasan ni Melanie (Bela) na nagdulot ng pagiging kuba niya. Kahit na kaliwa’t kanan na ang natanggap niyang pangungutya at panghuhusga, hindi niya ito ininda at pinagpatuloy ang pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral.

 

Subalit sa hirap ng buhay, tinigil niya ang kanyang pag-aaral para makipagsapalaran sa Cavite. Ang inakala niyang maayos na buhay sa Cavite ay mawawasak nang pagsamantalahan siya ng kanyang katrabaho.

 

Wasak at lunod na sa dami ng pagsubok sa kanyang buhay, paano kaya kinaya ni Melanie magpatuloy sa buhay lalo pa’t nagbunga ang panghahalay sa kanya?

 

Makakasama din sa upcoming episode sina Nina Dolino, Mickey Ferriols, Viveika Ravanes, Mutya Orquia, at Miel Espinoza. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Jerome Pobocan at panulat ni Akeem Del Rosario. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng Star Creatives COO na si Malou N. Santos.

 

Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, i-follow ang MMK (The Official) sa Facebook, Twitter, at Instagram.

 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER