• Home
  • News
  • Angel, Angelica, and moving on past their friendship's 'not a fairytale' beginning

Angel, Angelica, and moving on past their friendship's 'not a fairytale' beginning

Paano ibinaon nina Angelica at Angel sa limot ang nakaraang tampuhan?

Cheska Espina
by
Cheska Espina

5/9/2017 in News
Angel, Angelica, and moving on past their friendship's 'not a fairytale' beginning

Last April 23, the Instagram world was touched, and the same time intrigued, by Angelica Panganiban's birthday greeting for Angel Locsin.

At the story conference for their upcoming film with Richard Gutierrez today, May 9, Angel and Angelica explained the reason behind the latter's caption for the said post in which she noted, "Hindi man fairytale ang simula ng friendship natin..."

"Syempre kinilig ako. Si Gel naman talaga mahalaga sa akin. May mga pinagdaanan kami sa past pero I think kinailangan din siguro," Angel said.

Angelica continued, "Parang dun mo siguro nakita 'yung magic nung lahat, parang may mga bagay nga na hindi naman sa umpisa perfect na perfect kayo para sa isa't-isa bilang magkaibigan."

The former child actress sees their past rift as an important aspect in the characters and story of their upcoming film. 

"I guess napakaimportanteng part din nung pinagdaanan namin, sa friendship namin dun sa mangyayari sa'min dun sa pelikula," Angelica relayed. " Parang in a way may touch pa ng ganun kaya I'm very excited na makilala ko pa lalo si Angel."

"Syempre ilang years ago, five years ago, parang ang daming nagbabago, alam niyo buwan-buwan ang daming nagbabago sa isang tao so nakaka-excite na makita 'yung developments na nagawa ng time sa'ming dalawa," she added.

So, how did they eventually click together? 

"Prangka kasi si Gel eh, everything kay Gel, real, totoo eh at isa 'yun sa mga na-appreciate ko lalo na sa mundong ito. 'Yun din siguro ang dahilan kung bakit gustung-gusto natin siyang panoorin kasi lumalabas talaga 'yung pagiging totoo niya at bilang katrabaho gusto ko rin 'yon kasi makikita mo 'yung emosyon, 'yung lahat. 'Yun 'yung isa sa mga na-appreciate ko kay Gel. 

"Tsaka maalaga siyang tao. Iba, iba siya, totoo. 'Yun nga totoo. Real. Maalaga. Mabuting kaibigan. At ever since naman kahit kung anumang pagdaanan, hindi naman nawala 'yung respeto ko sa kanya kasi 'yun siya eh, karespe-respeto naman talaga siya. Irerespeto ko siya kung ano siya," Angel stressed.

Angelica, on the other hand, revealed her first impression of Angel.

"Alam mo dati akala ko nun talaga nao-OA-yan ako. Parang sobrang ang bait naman nito. Parang hindi talaga totoo no'n. Ang OA. Ang daming ginagawa. Asikaso nang asikaso. Sobrang bait. Pero 'yun pala kasi talaga siya. Parang 'yun nakilala ko na ganun pala siya. Nakakatuwa. Ngayon may mas maalaga na, siya 'yon. Sobrang malambing. Hindi 'yan nakakalimot," the "Banana Sundae" mainstay shared.

In the end, Angelica shared the lesson they learned from their past issues.

"Kaya rin siguro nag-mature kami sa mas magandang epekto dahil hindi na namin pinalaki 'yung mga bagay na hindi naman din nakatulong sa aming dalawa 'di ba. I belive parehas kaming natuto sa mga hindi magagandang nangyari sa'min and I think kung hindi kami natuto hindi kami aabot sa ganito na magiging mature enough kami para gumawa ulit ng isang proyekto na magkasama," Angelica explained, referring to their first film together, "One More Try."

Angel, Angelica, and Richard's upcoming film will be directed by Nuel Naval.

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER