REGGEE'S DIGEST: MMFF trophy, may bagong disenyo
Ano nga ba ang itsura ng bagong MMFF trophy?
Reggee Bonoan
by Reggee Bonoan
12/19/2017 in REGGEE'S DIGEST
0
REGGEE'S DIGEST: MMFF trophy, may bagong disenyo

May bagong disenyo ang tropeyong ipamimigay sa gaganaping 43rd Metro Manila Film Festival Awards Night na gawa ni art designer na si Clifford Espinosa ng Espinosa Arts and Design.

Gawa sa matitigas na kahoy tulad ng Narra, Ipil-ipil, at Yakal ang bagong tropeyo na mula sa mga lumang bahay na kahit ilang bagyo at baha ang dumaan ay nanatiling buo pa rin.

Malayo sa mga nakaraang tropeyong ipinamimigay na nababasag kaagad kapag hindi nahahawakan nang tama, natatanggal ang mga letra dahil nakadikit lang ng epoxy o kaya ay nagi-iba ang kulay.

Sabi ng chief designer, “kung mapapansin niyo ang clapperboard tapos nagiging megaphone, ang media po kasi ng film is light and sound.

“So, nagiging waves po iyan as they travel in space. At the same time, gawa po ito sa lumang kahoy, wala pong bagong kahoy na ginamit dahil may advocacy kami ng manual demonstration.”

Nabanggit pa na ang magkakapatong na kahoy ay simbolo ng betamax at tapes na nauso noong araw.

“Itong tatlong butas naman po, ito ‘yung three major components ng filmmaking — ‘yung story, ‘yung tao, at saka technology.

“’Yun namang dalawang kulay ng kahoy, mayroong light brown at dark brown — ito ‘yung saya at lungkot ng pelikulang Pilipino,” paliwanag ni Mr. Espinosa.

Sa KIA Theater, Araneta Center, Cubao gaganapin ang awards night sa Disyembre 27.

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc. 

Tags: MMFF 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER