REGGEE'S DIGEST: Kris at Bistek, muntik nang mauwi sa kasalan?
Kris: "Inatrasan ako..."
Reggee Bonoan
by Reggee Bonoan
12/19/2017 in REGGEE'S DIGEST
0
REGGEE'S DIGEST: Kris at Bistek, muntik nang mauwi sa kasalan?

Maraming gugulatin si Kris Aquino kapag nabasa na ang December 2017 – January 2018 issue ng People Asia na siya mismo ang cover.

Base sa panayam ni Kris kay Bum Tenorio, Jr. ay niyaya siyang pakasal ni Quezon City Mayor Herbert Bautista pero biglang umurong.

Bungad ni Kris, “one of the lowest moments of my life, I still remember the date, April 8, 2014, inatrasan ako ng kasal ni Herbert.

“Over the phone, I was in Bellevue Hotel in Alabang because we were celebrating (advance) the seventh birthday of Bimb.  It was that afternoon when I got the call.  It did not hit me at first because we were having a party.”

Ayon pa sa biggest influencer sa social media (ayon mismo sa Google at YouTube) ay muling nag-propose si Bistek kay Tetay noong Enero 22 ng taong kasalukuyan noong nasa Rome, Italy sila.

Sabi raw ni Herbert kay Kris, “ang tagal kong utang ito sa ‘yo. So, pwede bang makabawi ngayon?”

Ang D-color heart-shaped diamond ring about one carat ay tinanggap ni Kris pero kinabukasan ay isinoli rin niya ito.

Katwiran niya, “I returned it the next day because I said that we will always have responsibilities that came before he and I met.  And as long as our children are not done yet with their studies, I don’t think we have the freedom to be able to choose happiness.

“I returned the ring not because gusto kong iparamdam sa kanya kung anong pinaramdam niya sa'kin three years ago before that. It was because nagising na ako, I just realized that a person like him and a person like me can’t be together because in a home there can only be one star.  And I think, a union like that would require me to no longer be me.  And I still want to be me.”

Sa tanong kung nakailang buwan o taon sina Kris at Herbert, paliwanag ni Kris, “We don’t even have a relationship at all.  I don’t count it anymore because it was always nauudlot.  I told him, ‘tayo ‘yung perfect na what-could-have-been, so let’s just leave it there.’ I really appreciated it that he came back to my life when I was a nobody.”

Pero kung sakaling magyaya ulit si Herbert sa ikatlong pagkakataon kay Kris ng kasal ay dapat pagkatapos ng termino nito bilang mayor.

“I think if he’s coming back, the perfect time would be June 30, 2019 (when his term as mayor ends). Then we’d know that we are both in it for real kasi I’m not after business permits,” diretsong sagot ni Kris.

Ano kayang reaksyon ni Mayor Bistek dito?

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc. 

 

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER