• Home
  • Blog
  • Reggee's Digest
  • REGGEE'S DIGEST: Sofia, may pag-amin tungkol sa second chances, pangarap na matanggap na award

REGGEE'S DIGEST: Sofia, may pag-amin tungkol sa second chances, pangarap na matanggap na award

Gaano ka-big deal ang loyalty kay Sofia?

Reggee Bonoan
by
Reggee Bonoan

11/9/2017 in REGGEE'S DIGEST
REGGEE'S DIGEST: Sofia, may pag-amin tungkol sa second chances, pangarap na matanggap na award

Nakausap namin nang solo si Sofia Andres pagkatapos ng press conference ng "Pusong Ligaw" Book 2 nitong Martes, November 7.

May kinalaman ang salitang loyalty sa kuwento ng serye nila nina Diego Loyzaga, Enzo Pineda, Bianca King, Albie Casino, Joem Bascon, at Beauty Gonzalez.

Kaya natanong ang ka-love team ni Diego bilang si Potpot kung gaano kaimportante ang loyalty sa kanya. 
“My God! I am loyal and honest about that. Siyempre you have to be true whoever you’re interacting with, family, friends, [at special someone] kasi I know how it feels to be cheated and I don’t wanna do that to anyone especially to my family and friends,” sagot ng dalaga.

Nagbibigay naman daw ng chance si Sofia kapag mahal niya.

“If you really love someone, you don’t just give up, there’s always a second chance, that’s how I am, eh. Ganun kasi po ako, pero kapag alam kong hindi na worth it to fight for, stop na. May hangganan naman po. How will I know if it’s not worth it? 'Pag niloko ka na talaga nang harap-harapan, that’s it!,” pahayag ng dalaga. 

Sa Book 2 ng "Pusong Ligaw" ay si Enzo o Rafa na ang ka-love team ni Sofia o Vida. “Parang she’s trying to see a new life with Rafa (Enzo),” paliwanag ng dalaga.

Pero hindi pa raw alam nina Sofia ang takbo ng kuwento ng Book 2 ng "Pusong Ligaw" dahil, “waiting pa what’s gonna happen, but we know kung ano ‘yung flow, but the exact story, we don’t know yet,” pakli ng aktres.

Ang "Pusong Ligaw" daw ang pinakamatagal na show ni Sofia kaya masaya at thankful kay God at sa ABS-CBN dahil may trabaho siya.

Tinanong namin kung anong mas gusto ni Sofia Andres, award o box-office hit.

“Box office, the award will follow,” mabilis na sagot ng dalaga.

Sa "Pusong Ligaw," ano ang mas gusto ni Vida, mataas ang ratings o ma-nominate siya bilang Best Actress?

“Nominated as best actress and I’m after that than ratings, yes I’m just being honest. Kasi gusto ko siyempre being an actress as in certified actress,” pagtatapat ng dalaga.

Mapapanood ang "Pusong Ligaw" pagkatapos ng "It’s Showtime" sa ABS-CBN.

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.

 

Tags: Sofia Andres 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER