REGGEE'S DIGEST: This is Moira's time to shine!
Patikim sa mga aabangan kay Moira sa 2018!
Reggee Bonoan
by Reggee Bonoan
11/28/2017 in REGGEE'S DIGEST
0
REGGEE'S DIGEST: This is Moira's time to shine!

Si Moira de la Torre ang grand winner sa nakaraang Himig Handog 2017 na ginanap sa "ASAP"  dahil napiling Best Song ang awitin niyang "Titibo-Tibo."

Naiuwi ni Moira at ang kompositor ng "Titibo-Tibo" na si Libertine Amistoso ang premyong isang milyong piso.
 
Ngayong 2017 talaga namang umangat ng husto ang singing career ni Moira dahil kaliwa’t kanang naririnig ang mga awiting sinulat niya at naging theme song pa gaya sa teleseryeng "The Better Half."

Si Moira rin ang kumanta ng "Sundo" na pinatutugtog sa seryeng "The Good Son" na pinagbibidahan nina Joshua Garcia, Loisa Andalio, Nash Aguas, Alexa Ilacad, McCoy de Leon, Elise Joson, Jerome Ponce, John Estrada, Mylene Dizon, Ronnie Lazaro, Liza Lorena, Eula Valdez, at marami pang iba.

At ang hit song ng Moonstar 88 na "Torete" ay binigyan din ng bagong tunog ni Moira nang maging soundtrack ng movie nina Joshua Garcia at Julia Barretto na "Love You to the Stars and Back" mula sa Star Cinema. 

At base sa tsikahan namin ng handler ni Moira na si Mac Merla, “super-busy siya ngayon. As in wala na mapaglagyan ng inquiries sa kanya because two days lang ang off niya ng buong November and puno na rin halos ang December niya ‘til February next year. 

“Sobrang happy namin for Moira because she waited for this opportunity for six years. She's with Cornerstone since she was 14 years old and she's been making music bata pa lang siya. 

“I think nakasulat na siya more than 600 songs. Happy siya because sobrang lakas ng 'Titibo-Tibo' entry nya sa Himig Handog as you can see online grabe ang views and iba’t ibang parodies.”

“Lakas ng engagements ni Moira lalo na sa millennials. Regular na rin siya sa 'ASAP' and she will be releasing her album by January 2018.

“Dami hugot songs kagaya ng very successful hit na 'Malaya!' Consistent siya number one sa Billboard PH ang 'Malaya' and recently two songs niya ang pumasok sa Billboard PH. Number one ang 'Malaya' then number three ang 'Titibo-Tibo'! Amazing 'no!"

Samantala, naghahanda na rin si Moira sa darating na Pebrero 2018 para sa major concert niya at isa si Sam Milby sa special guest niya.
 
Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER