REGGEE'S DIGEST: Jao Mapa, umalma sa diumano'y sex video
"It's not me!"
Reggee Bonoan
by Reggee Bonoan
11/28/2017 in REGGEE'S DIGEST
0
REGGEE'S DIGEST: Jao Mapa, umalma sa diumano'y sex video

May kumalat na sex video kamakailan ang aktor na si Jao Mapa, ayon mismo sa mga nakapanood na.

Pero ang hirit ni Jao, “It’s not me!  Luma na ‘yan.”

Kasabay ng sex video ni Jao ay ang kay Carlos Agassi. Sabi namin sa aktor na siyang-siya raw iyon.

“Poser lang ‘yan, years ago pa ‘yan, lumang balita na ‘yan,” diin ulit ng aktor.

Sa tanong namin kung may ideya si Jao kung sino ang may kagagawan ng pagpapakalat nito na ipinipilit na siya, “no idea,” aniya.

Hindi nga raw pinansin ni Jao nung unang nabalita ang sex video niya dahil alam niya sa sarili niya na walang katotohanan ito.

Tumawang sabi ng aktor, “painter ako, hindi exhibitionist.”

Oo nga, base rin naman sa pagkakakilala namin sa aktor noong kabataan pa niya ay wala naman kaming narinig o nalamang kinukunan niya ang sarili ng hubo’t hubad.

Habang sinusulat namin ito ay kasalukuyang naka-display sa ABS-CBN ang 13 paintings ni Jao na magtatagal hanggang Disyembre 5.

Aniya, “I have a painting group exhibit sa ABS-CBN that will run until December 5, exclusive lang ‘yun for ABS-CBN employees.”

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.

Tags: Jao Mapa 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER