REGGEE'S DIGEST: Christian Bables, may diretsong sagot sa sexuality question
Christian: "I don't see any problem with that."
Reggee Bonoan
by Reggee Bonoan
11/13/2017 in REGGEE'S DIGEST
0
REGGEE'S DIGEST: Christian Bables, may diretsong sagot sa sexuality question

Sa launching ng CityMall Cinema sa Sta. Rosa, Nueva Ecija namin nakatsikahan si Christian Bables at nabanggit niyang sobrang saya niya na nakatrabaho niya sina Kim Chiu at direk Chito Rono sa "The Ghost Bride."

Masaya rin niyang ibinalita na kasama siya sa seryeng "Love Will Lead You Back" dahil kasama niya sina Jericho Rosales, Arci Munoz, Yam Concepcion,  at Sam Milby mula sa unit ni Ruel S. Bayani.

Hindi raw gay ang papel niya sa serye na ipalalabas sa 2018 pero wala naman daw problema kung gumawa ulit siya ng bading role.

“Wala naman po sa akin ‘yun, ang akin hangga’t natsa-challenge ako, okay sa akin ‘yun. At saka sobrang lapit sa puso ko ni Barbs kasi ‘yung Barbs ang gumawa sa akin.

“Gusto kong magpasalamat kasi ibig sabihin, tumatak sa kanila si Barbs nang sobra. Hindi po ako apektado kapag naririnig ko ang mga ganoon sa mga tao, natutuwa ako kasi alam ko sa sarili ko na kahit paano, may nagawa akong tama roon sa pagganap ko as Barbs.

“And siguro sa ibang karakter ko pang gagawin (lalaki) makikita nila kung ano pa ang kaya kong gawin (bukod sa gay role),” paliwanag ng aktor.

Diretsong tanong namin kay Christian, "are you gay?"

“Hindi, hindi, ha, ha, ha. Hindi pa naman,” tumatawang sagot sa amin ng aktor.

"Bakit may hindi pa naman?" balik-tanong namin sa binata.

“Kasi malay natin sa reincarnation ko maging gay ako. I don’t see any problem with that of being gay or lesbian. Kaya isa sa dahilan kung bakit naengganyo akong gampanan si Barbs kasi gusto kong maputol ‘yung stigma na kapag bakla ka o tomboy ka parang off-guard sa ‘yo ‘yung mga tao. That’s not right, ‘di ba? Eh ano ngayon kung bakla ka, ano ngayon kung tomboy ka, ‘di ba?”  tumatawang sagot ng binata.

At ang revelation ni Christian ay crush niya ang aktres na si Julia Montes.
Biro namin sa aktor, "naku, lagot ka kay Ang Panday (Coco Martin).” At sinagot naman kami ng, ”Opo, lagot ako kay Panday.”

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER