REGGEE'S DIGEST: Julia Montes, pinagkaguluhan sa Dubai!

Record-breaking si Julia sa Dubai!

Reggee Bonoan
by
Reggee Bonoan

11/1/2017 in REGGEE'S DIGEST
REGGEE'S DIGEST: Julia Montes, pinagkaguluhan sa Dubai!

Sobrang overwhelmed si Julia Montes nang salubungin siya ng napakaraming kababayang Pinoy sa Al Ghurair Mall, Dubai kung saan siya ang panauhing pandangal para sa pagbubukas ng isang Pinoy global clothing brand.

Hindi kasi inaasahan ni Julia na maraming dadalo considering na weekday ito at hindi Linggo na day-off ng mga kababayan nating OFW.
 
Pinadalhan kami ng mga video at litrato ng handler ni Julia na si Mac Merla ng Cornerstone Entertainment at oo nga, grabe ang daming Pinoy na sumalubong sa aktres.

Sabi sa amin ni Mac sa pamamagitan ng Facebook chat, “Grabe! Overwhelming ang supporta ng Filipino community dito sa amin!"

Patuloy pa niyang paglalahad, “They invited Julia to be part of the opening dahil siya ang pinakagusto ng mga franchisees dito. Lumipad kami nung Wednesday and nag-event noong Thursday, October 26, 6PM.

“At first sinabi sa akin ni Julia ‘Kuya Mac, pupuntahan ba ako ng mga tao mamaya?’ Sabi ko, siyempre ‘oo naman!’ Hanggang sa time na ng event marami nang nagsasabi sa akin na napakaraming tao but ayaw kong maniwala hangga't hindi ko nakikita.

“Nagulat ako nang sinendan ako ng pictures ng mga organizers na sobrang dami ngang tao! Sabi sa akin ng organizers na ito raw ang pinakamalaking crowd for an event sa history ng Al Ghurair mall kaya even mga executives na ibang lahi ng mall kailangan na tumulong sa security dahil sa dami ng tao! Overwhelming talaga!”

Samantala, may bagong teleserye si Julia sa ABS-CBN, ang "Asintado" mula sa Dreamscape Entertainment kasama sina Lorna Tolentino, Paulo Avelino, Agot Isidro, Aljur Abrenica, Shaina Magdayao, at Cherry Pie Picache mula sa direksyon nina Jojo Saguin, Onat Diaz, at Lino Cayetano.

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.

 

 

Tags: Julia Montes 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER