• Home
  • News
  • Direk Chito, Kim recall horror experience growing up

Direk Chito, Kim recall horror experience growing up

Kim, nagka-doppelganger?

Cheska Espina
by
Cheska Espina

10/27/2017 in News
0
Direk Chito, Kim recall horror experience growing up

Kim Chiu and director Chito Rono are ready to conquer the big screen soon in their newest horror film collaboration, "The Ghost Bride."

In relation to this, the two shared some of their horror experiences while growing up.

"Noong maliit pa ako, isang experience lang. Gumagalaw-galaw lang 'yung mga gamit tapos ayun, tumakbo na ako. Nakakatakot 'yun. Nagtago ako sa kama, nagkubli-kubli na ako sa kumot. Tapos tinatry ko siyang kalimutan," Direk Chito shared at the Bloggers Conference of their upcoming film.

"Sira na 'yung bahay na 'yun, ginawa ng bangko. Pero 'yun lang naman talaga ang experience ko. Although paramdam-ramdam, meron. Ang maganda lang doon sa experiences ko, hindi lang ako, kasama ko mga pinsan ko. Kaming lahat naka-experience ng ganung paramdam na patay na tao. Katakot eh. Kami na nga lang, nagtatakutan pa eh. Mga lalake nga lahat 'yun eh, nagtatakutan pa," he added.

Kim, meanwhile, has been encountering doppelgangers, just like the horrific characters in their 2012 film "The Healing."

"Sa tinitirahan namin ngayon, merong gumagaya... Parang 'yung 'The Healing' namin datin ni Direk (Chito). Parang sabi nakita raw nila ako pero tulog pa pala ako," the Chinita Princess said.

"Pina-check na namin 'yun," she stressed. "Kasi 'yung pamangkin ko sabi niya andyan daw mga Smurfs, dun daw sa gilid. Eh 'di ba Smurf duwende 'yun? Eh three years old 'yung pamangkin ko noon. 

"Sabi niya laro daw siya doon sa mga smurfs. Wala namang tao. Baka duwende, ang tingin niya Smurf. So parang sabi niya 'Andun sila oh, Smurf.' 'Ayan sila, Smurf.' San 'yung Smurf? Wala namang Smurf.

"May nakikita [rin] kaming parang image nung kasambahay namin ta's hindi naman pala siya 'yun."

Having directed a couple of horror films, did Direk Chito ever got scared of his characters?

"Siguro isa sa mga strengths ko siguro as a writer or director is hindi ako ganun ka-superstitious. Matapang ako," he stressed.

Direk Chito then revealed more of his strengths as a writer and director. 

"Tsaka nababasa ko ‘yung mga takot ng mga tao. Dun ako kumukuha ng inspirasyon. Mas nerbiyoso, mas matatakutin ‘yung mga tao. 'Yun ang nagiging material ko. Napag-aaralan ko pa siya ‘pag natatakot sila. 

"So I would say na mangyayari sa’kin na magkakaroon ako ng recall or something na ano, hindi, wala. Kasi Thank God hindi ako matatakutin," he explained.

Meanwhile, Kim is the opposite of Direk Chito.

"Matatakutin po ako. ‘Pag natutulog ako sa kuwarto may kasama po. Kasama yaya, ate ko, ganyan. ‘Di ko kaya mag-isa. Lalo na sa CR, 'pag naghihilamos ako. 'Pag tumingin ako baka may tao pagdilat ko," the bubbly actress said.

"Lalo na ‘pag sa ibang bansa, ikaw lang mag-isa. ‘Yung mga lumang hotel na titirhan mo, parang ganyan. Ang daming naglalaro sa isip. Mapaglaro ‘tong isip ko, matatakutin," she reiterated. 

Kim also remembered, "‘Pag may mga scenes kami, ‘pag may masisikip at madidilim na lugar... ‘Pag napapanood niyo ako lang mag-isa dun. Pero meron doon sa tabi, naka-ganyan lang ako. ‘Diyan ka lang Kuya ha?’ Baka mamaya iba na ‘yung andyan."

Kim's first solo movie "The Ghost Bride," under the direction of Chito Rono, will be out in cinemas starting November 1!

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER