REGGEE'S DIGEST: Neil preparing for a 'grand gesture' for Angel?
Neil, may inamin tungkol sa nararamdaman para kay Angel
Reggee Bonoan
by Reggee Bonoan
10/2/2017 in REGGEE'S DIGEST
0
REGGEE'S DIGEST: Neil preparing for a 'grand gesture' for Angel?

Sa nakaraang press con ni Angel Locsin bilang si Jacintha Magsaysay na bagong karakter niya sa "La Luna Sangre" ay nabanggit nitong hindi pa niya boyfriend si Neil Arce kasi hindi naman siya tinatanong pa. 

Kaya maski na nagsasabihan sila ng "I love you" ay wala pang matatawag na relasyon ang dalawa.

Nang makorner namin ang binata, inamin niyang, “committed ako sa kanya (Angel), gusto ko kasi grand gesture (kaya hindi pa niya tinatanong).

Kinulit namin kung anong grand gesture ba ang gusto ni Neil?

“She deserves that (grand gesture). Gusto ko talaga (tanungin si Angel)," pahayag ng binata.

Sabi pa, “Ano kasi, eh gusto nga grand gesture. Maganda ‘yung moment. Hindi pang-promo lang, hindi pang-interview lang. At saka kung mangyayari ‘yun, sa amin na lang ‘yun.”

Sa Pilipinas o sa ibang bansa magaganap ang grand gesture na ito?

“Ay hindi ko alam, bye-bye na nga,” sabi ni Neil sa amin.

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER