REGGEE'S DIGEST: How Arjo, Ria convinced their dad to attend #StarMagicBall2017
Paano nga ba napa-oo ang better half ni Sylvia Sanchez sa #StarMagicBall2017?
Reggee Bonoan
by Reggee Bonoan
10/2/2017 in REGGEE'S DIGEST
0
REGGEE'S DIGEST: How Arjo, Ria convinced their dad to attend #StarMagicBall2017

Nag-ala "The Godfather" ang daddy Art Atayde nina Arjo at Ria sa nakaraang 25th year anniversary ng Star Magic na ginanap nitong Sabado, Setyembre 30.
 
Namumukod-tangi ang suit na ginamit ng padre de pamilya Atayde na may disensyo kumpara sa ibang dumalo na pawang plain lang.  Maging ang aktor na si Arjo ay simple lang din ang ginamit nitong suit.

Ang magkapatid na Arjo at Ria pala ang pumilit sa kanilang ama na dumalo sa Star Magic ball alang-alang sa kanila.

Kuwento ng ina ng magkapatid na si Sylvia Sanchez, “Ayaw ni Art sumama kasi hindi naman daw siya artista, eh ako naman okay lang na wala siya kasi sanay na naman akong hindi talaga sumasama sa showbiz events si Art, mahirap 'yan mapapunta.

“Pero nakiusap ang dalawang bata (Arjo at Ria) na sumama siya (Art) kasi kaming pamilya ang inimbita at saka sabi rin ni Ria, ‘milestone ito sa career namin at may picture tayo together sa 25th anniversary ng Star Magic’ kaya pumayag na rin ang tatay nila.”

Ang kilalang designer na si Frankie de Leon ang tumahi ng kasuotan ng mag-asawang Art at Ibyang.

“Nakilala ko kasi si Frankie sa mommy ni Art (Mrs. Pilar Atayde) dahil siya ang designer ng Mommy, simula noon, sa kanya na ako, siya rin ang tumahi ng wedding gown ko pati suit ni Art.

“Kaya kapag may ganitong mga event, si Frankie ang takbuhan naming pamilya at four days lang, tapos na lahat,” kuwento ng aktres.

At sa SMB ay tinutukso nga raw si Papa Art dahil para raw siyang si Marlon Brando ng pelikulang "The Godfather" (1972) na idinirek ni Francis Ford Coppola sa suot nitong suit.

Nagbiro pa nga raw si Billy Crawford, may nanalo na sa suit."

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER