REGGEE'S DIGEST: MTRCB, may tribute para sa yumaong showbiz legend na si Nida Blanca

Nida Blanca Conference Room, pormal nang binuksan

Reggee Bonoan
by
Reggee Bonoan

10/19/2017 in REGGEE'S DIGEST
REGGEE'S DIGEST: MTRCB, may tribute para sa yumaong showbiz legend na si Nida Blanca

Ipinangalan ang bagong conference room ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa yumaong veteran actress na si Nida Blanca.

Bilang bahagi ng ika-32 anibersaryo ng pagseserbisyo-publiko ng MTRCB sa mga Pilipino ay pormal nang binuksan ang kanilang Nida Blanca Conference Room last week sa pangunguna ni MTRCB Chairperson Rachel Arenas.

Nakasama pa sa nasabing okasyon ang yumaong Vice-Chairperson ng MTRCB na si Emmanuel Borlaza at iba pang board members.

Si Nida Blanca ay dati ring MTRCB Board Member.

Nagsimula ang selebrasyon ng kanilang anibersaryo sa isang thanksgiving mass led by Fr. Denmark Malabuyoc na mula pa sa Order of St. Joseph.

Present din sa nasabing event ang anak ni Nida Blanca na si Kaye Torres kasama ang kanyang pamilya. Nandoon din sina Chari Villa at Luz Valdez.

Ayon kay Chairman Rachel, “The conference room was renamed to keep alive the memory of Ms. Nida Blanca not only as a Board Member but also as a friend, a family member and a public servant.”

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.

Tags: Nida Blanca 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER