REGGEE'S DIGEST: New Steven Seagal series to be shot mainly in PH?

Steven Seagal's new series has 90% Filipino production crew!

Reggee Bonoan
by
Reggee Bonoan

10/17/2017 in REGGEE'S DIGEST
REGGEE'S DIGEST: New Steven Seagal series to be shot mainly in PH?

Magandang balita ito sa local actors natin dahil 90% Pinoy ang makakasama ni Steven Seagal sa TV series na ishu-shoot niya rito sa Pilipinas. Ito ay may titulong "General Commander" at mapapanood sa buong Europe sa 2018 at iba pang bansang bibili nito.
 
Base sa pahayag ng 7th dan Aikido belter “It would be a 90% Filipino production, good crews, and cheap labor here so we’re very happy.”

At kaya raw sa Pilipinas ang pinaka-base ng location ay, “we want a place that looks exotic and different from the American films of mine.”

Aabot sa  $14M (kulang-kulang isang bilyon peso) ang budget ng 12-part, 45-episode TV series na nakatakda ring mag-shoot sa Berlin, New York, Los Angeles, at Marbella, Spain. 

Sabi naman sa amin ng co-producer ni Steven sa Pilipinas na si Mr. Cris Santiago (anak ni Cirio Santiago) ay nabili na raw sa Europe ang "General Commander" at kaya narito sa bansa ang international actor ay dahil nag-ocular.

Ang highlights daw ng shoot dito sa bansa ayon sa international actor ay, “the people, the villages, the countryside, something like that.  I’ll be here maybe for about two to three months for the shoot.”

Ang gist ng kuwento ay tungkol sa major problem ng lahat ng bansa: human trafficking, terrorism, drugs, at iba pa.

Samantala, naikuwento rin ni Steven na marami siyang alam sa Philippine History kaya gustung-gusto niya rito.

“It’s a very, very interesting place and the real story of the Philippines and the Filipino history particularly in America,” pag-amin nito.

Bilang Aikido, Judo, Karate, Kendo, at Shito-ryu expert ay natanong ang aktor kung interesado rin siyang ipakita sa "General Commander" ang Filipino Martial Arts.

“There’s a guy named Dani Inosanto who in my opinion to be the best in knife kung fu fighter and he’s the most famous probably in Eskrima. Dani has been my blood brother for more than 40 years and if you look for justice, you can see me some really nice Eskrima stuff there. And that’s a great idea, I’ll try to incorporate some Filipino martial arts in this series,” kuwento ni Steven.

Nabanggit din ng Hollywood actor na maraming beses na siyang nakarating sa Pilipinas.

“It’s more than hundreds of times,” sabi niya. 

Samantala, nabanggit ni Steven na bilib siya sa pamumuno ni Presidente Rodrigo R. Duterte dahil sa magandang pamamalakad nito sa bansa tulad din ng ibang administrasyon na nakilala niya noon pa tulad nina ng nasirang Presidente Ferdinand E. Marcos, Madam Corazon C. Aquino, Ginoong Fidel V. Ramos, Ginoong Joseph Estrada, Madam Gloria Macapagal-Arroyo, at Benigno "Noynoy" Aquino lll.

Sabi pa ni Steven kaya niya gustung-gusto sa Pilipinas mag-shoot: “I don’t feel like this is a dangerous place.”

Ang fondest memories ni Steven sa Pilipinas? “The people were very warm, gentle, kind, friendly, great sense of humor," saad niya.

Halos 80% ng "General Commander" ay kukunan sa Pilipinas at iba pang Asian countries tulad ng Vietnam, Macau, Hong Kong, at Tokyo na ididirek at produce ni Philippe Martinez, kasama rin sina Karinne Behr and Lee Beasley, Loni Farhi, Ciro Orsini, at Patrick Zylberman.

Kuwento naman ng isang miyembro ng production team sa Pilipinas ni Steven na si Lilibeth "Betsy" Dy-Liacco ay posibleng dito ishu-shoot ang isang buong season ng "General Commander."

Gagampanan ni Steven ang karakter na Jake Alexander, isang Amerikanong nagmula Virginia, USA at nasa late 50s. Dating CIA operative, at pinatay ang asawa niya 15 years earlier at hindi ito nabigyan ng katarungan kaya napilitan siyang hanapin ang gumawa ng krimen.

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.

Tags: Steven Seagal 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER