REGGEE'S DIGEST: ChardGel, todong tinilian sa 'Bida Kapamilya' event

Fan, may masuwerteng encounter with Angel Locsin!

Reggee Bonoan
by
Reggee Bonoan

10/17/2017 in REGGEE'S DIGEST
REGGEE'S DIGEST: ChardGel, todong tinilian sa 'Bida Kapamilya' event

Nagkaroon ng ABS-CBN "Bida Kapamilya Thank You" event sa Enchanted Kingdom nitong Sabado, Oktubre 14, at talagang hindi magkamayaw ang fans na dumalo dahil nakita nila ang kanilang mga hinahangaang artista.

Most applauded sina Angel Locsin at Richard Gutierrez bilang love team sa "La Luna Sangre" at may mga sumigaw pa ng  "ChardGel."

Ang iba sa mga dumalo ay supporters pa ng dalawa nung nasa kabilang istasyon pa ang dalawa.

May nag-post nga na fan ni Angel, "13 years ko siyang hinahangaan, pagkakataon ko nang mahawakan ang kamay niya,” sabay pakitang kinamayan siya ng aktres.

Wala naman ang KathNiel sa nasabing event dahil si Daniel Padilla ay may shooting ng "Gandarapiddo: The Revenger Squad" nila nina Vice Ganda at Pia Wurtzbach, samantalang si Kathryn Bernardo naman ay may commercial shoot.

Namataan din si Maja Salvador para sa programa niyang "Wildflower," Jason Dy, Young JV, Elmo Magalona at Janella Salvador para sa "ASAP" at ang ilang miyembro ng Girltrends at Hashtags bilang representative ng "It's Showtime" at mga taga-MOR.

Naroon din ang isa sa mga tinitiliang love teams mula sa "Pinoy Big Brother Lucky Season 7," ang MayWard, na sina Maymay Entrata at Edward Barber.

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER