• Home
  • Blog
  • Reggee's Digest
  • REGGEE'S DIGEST: Bayani, addition o replacement Sing-vestigator sa 'I Can See Your Voice'?

REGGEE'S DIGEST: Bayani, addition o replacement Sing-vestigator sa 'I Can See Your Voice'?

Bakit nga ba hindi always present si Kean sa programa?

Reggee Bonoan
by
Reggee Bonoan

10/17/2017 in REGGEE'S DIGEST
REGGEE'S DIGEST: Bayani, addition o replacement Sing-vestigator sa 'I Can See Your Voice'?

Dahil kaya laging wala si Kean Cipriano kaya nagdagdag ng Sing-vestigators ang mystery music game show na "I Can See Your Voice" na napapanood tuwing Sabado at Linggo ng gabi?

Sa launching kasi ng bagong game show ni Luis Manzano ay limang Sing-vestigators lang ang present sa taping, sina Angeline Quinto, Alex Gonzaga, Wacky Kiray, Kean, at Andrew E.  Pero nitong mga huling episode ng "I Can See Your Voice" ay kasama na si Bayani Agbayani at siya ang basag trip sa grupo dahil kung anu-ano ang katatawanang sinasabi niya tungkol sa Seen-ngers o Seen-tunado.

At inamin naman sa amin ng taga-production ng programa na bagong dagdag nga raw si Bayani pero hindi naman idinahilan na lagi kasing wala si Kean.

Hindi kasi nakadadalo ng tapings ng "I Can See Your Voice" si Kean dahil marami na rin siyang ginagawa bukod sa pagiging singer at nagdi-direk ng music video ay umaarte rin siya sa harap ng kamera.

Sa katunayan ay kasama si Kean sa pelikulang "Seven Sundays" bilang asawa ni Cristine Reyes na babaero pero mapagmahal na ama sa mga anak.
 
May mga shinu-shoot ding pelikula si Kean, kabilang na ang "Erratta" mula sa Cinema One Originals na mapapanood mula Nobyembre 13 to 20 for Cinema One Film Festival.

Late this year ay ilalabas naman ang solo album ni Kean mula sa Cornerstone Concerts kaya hindi nakakadalo ang aktor cum musikero sa "I Can See Your Voice."

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.

Tags: Kean Cipriano 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER