• Home
  • News
  • 10 straight facts about Atom Araullo

10 straight facts about Atom Araullo

All about Atom Araullo straight from the man in the rain himself

Cheska Espina
by
Cheska Espina

1/5/2017 in News
10 straight facts about Atom Araullo

Who's crushing on Atom Araullo here?

Well if you do, you might wanna check these facts straight from his "Magandang Buhay" interview earlier today, January 5.

These 10 photos might help you get to know him (especially his childhood) and his interests more. 

Plus, you might "CRUSH" him a little (actually BIG) more!


1. 


The truth behind his name

"['Yung pangalan ko] combination ng pangalan ng dalawa kong lolo. Alfonso tsaka Tomas. Kaya 'pag pinagsama Alf-Tom, hindi ATOM. A-T-O-M. Walang koneksyon [sa Science]. Nagkataon lang na nahilig ako sa Physics. Pero 'yun talaga 'yun. Parang as a tribute to my grandfathers."


2.


Childhood

"Bata pa lang kami naging active na kami sa sports."

Additional trivia:

"Magaling ako manghuli ng tutubi dati tapos binebenta ko sa classmates ko."


3.


Theater life

"One of the stage productions na sinalihan ko nung Ateneo pa ako. ACT. Naging lead role ako doon sa 'Oliver.' So medyo it was a happy childhood, marami ako naranasan, hanggang ngayon. Siyempre I treasure those memories."


4. 


The child in him

"Kasi 'di naman ako nagbigay ng sakit ng ulo sa pamilya ko pero nung bata ako, 'pag dini-dismiss na kami, imbes na dumiretso ako doon sa school bus, nag-iikot muna ako sa campus. As in sa mga lugar na 'di ko dapat puntahan. Sumisiksik kami doon sa mga maliliit na garden. Hanggang sa 'di ko namamalayan 'yung oras, naiiwanan ako ng school bus. 

"Kaya napapagalitan ako dahil doon. Kasi after dapat meron kaming swimming practice, 'di ako nakakapunta. One of the fondest memories. Kaya ako napapagalitan kasi kailangan pa ako sunduin. Maghahanap ng paraan. Sobrang hassle."


5.


The influence of his father

"Well 'yung tatay ko may pagka-disciplinarian talaga 'yan. So siyempre napapagalitan nang husto, minsan pinapalo sa pwet. [Pero] very nurturing, very street smart. At the same time he doesn't take himself seriously. So ibig sabihin importante sa kanya 'yung humor. Palagi niya kami pinapatawa. So kahit na seryoso kami sa isang banda, hindi naman kami masyadong serious din sa bahay. Tsaka malambing."


6.


The influence of his mother

"Mahirap timbangin, malaki 'yung impact sa buhay ko. Pero balansyado. 'Yung nanay ko andyan. 'Yung nanay ko very politically active din. So doon ko nakuha 'yun. Palaban."


7.


Meet his best friend

"Si Sandra. She's my older sister. She used to be my mortal enemy nung bata pa kami pero ngayon we're the best of friends. Sabi niya lagi na iniidolo ko siya pero aaminin ko na totoo naman. Hanggang ngayon."


8.


A mountaineer

"Eto 'yung mga pictures from my days sa UP as a student. Naging member ako ng UP Mountaineers, tapos nag-aabang ng mga ikot."


9.


A leader and an activist

"Naging student leader [rin ako]. So I think my college years is complete kasi tingin ko bilang mga etudyante, dapat 'di lang talaga pag-aaral eh. Dapat meron talagang extra-curriculars, sports, organizations. Tapos kung passionate ka sa isang issue, you can explore that."


10.


"Pagkatapos ko gumraduate sa UP. Ang tinake ko na course malayo eh, Science. 'Di naman ako talagang interesado maging reporter pero nag-break ako kasi matagal masyado 'yung pag-aaral. Five years kasi 'yung course ko, medyo napagod ako. Habang 'di pa ako nagtatrabaho, technically I was part of a morning show in Studio 23. Naging morning show host. Doon ko nakilala si Bianca (Gonzalez).

"Tapos mula doon naging interesado na rin akong gumawa ng other things sa media. Nag-apply ako bilang isang researcher sa isang documentary program, sa 'Correspondents.' Mula doon ayun na, naging reporter na ako after another year. Tapos wala na, 'di na ako bumalik sa pag-aaral. 'Di na ako nag-masters."

In the end, Atom shared his realizations after everything he has been through in life.

"'Yung pakikitungo mo sa tao, kahit na 'di kayo magkasundo, kailangan maayos pa rin 'yung pakikipag-usap mo sa kanya. [Tapos] minsan may mga failures din. Dapat matutunan mo lahat 'yan eh," he relayed.

You can watch Atom every day in the morning show "Umagang Kay Ganda."

 

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER