• Home
  • News
  • Reggee's Digest: Tracing the awesome 2016 of these Kapamilya performers

Reggee's Digest: Tracing the awesome 2016 of these Kapamilya performers

The best things that happened to Yeng, Karla, Kyla, Inigo, Erik, Angeline + more last 2016

Reggee Bonoan
by
Reggee Bonoan

1/4/2017 in News
Reggee's Digest: Tracing the awesome 2016 of these Kapamilya performers
Naging maganda ang taong 2016 para sa Cornerstone Talent Management na pinamamahalaan ni Erickson Raymundo dahil bukod sa maraming achievements ang mga talent niya ay successful lahat ng shows na prinodyus niya.
 
Ang ilan sa highlight ng Cornerstone nitong taon ay ang mga sumusunod.
 
Ang sold-outs concert nina Karla Estrada na ginanap sa KIA Theater noong Abril 30 na may titulong, Queen Mother in Concert," na sinundan ng R&R (Richard Poon x Richard Yap) show na "Chinito Crooners: A Salute To Classic Love Songs" (Agosto 26) sa The Theater, Solaire; "Divas Live In Manila" sa Smart Aranera Coliseum (Nobyembre 11) nina Kyla, KZ, Angeline Quinto, at Yeng Constantino; 15th anniversary tribute concert para sa composer, record producer, and hitmaker Jonathan Manalo na may titulong "KINSE" sa Music Museum noong Disyembre 3.
 
Winner din ang first musical theater project ng Cornerstone na "Ako Si Josephine: The Music of Yeng Constantino" katuwang ang PETA at ABS-CBN Events na nagsimula noong Setyembre 8 at nagtapos noong Oktubre 9.
 
Ang Cornerstone Concert ang humawak din ng launching ng album ni Rayver Cruz na may titulong "What You Want" na ginanap noong Mayo 20 at humawak din ng publicity at TV promo.
 
Nakamit naman ni Daryl On ang Best Performance by a New Male Recording Artist para sa kantang "Mabuti Pa" sa nakaraang 29th Awit Awards.
 
Hindi naman nagpahuli si Thor Dulay bilang Best Performance by a Male Recording Artist sa awiting "Paano Ko Sasabihin."
 
Mas lalong naging in-demand sa shows sa labas ng bansa simula nung maging hurado sa "Tawag Ng Tanghalan ng It’s Showtime" sina Kyla, Erik Santos, K Brosas, Jaya, at Yeng Constanino at masasabing may K talaga silang lahat bilang hurado.
 
Si Yeng ang pinakamaraming achievements among the Cornerstone talents dahil naka-Double Platinum album ang "All About Love" (with smash hit "Ikaw" with almost 50 million views on YouTube making her the number one YouTube Goldplay Awardee in the Philippines awarded by Star Music).
 
At kumita pa ang 10th anniversary musical na "Ako Si Josephine." Naging hurado rin siya sa "Tawag Ng Tanghalan" at "Pinoy Boyband Superstar," at isa sa mentor sa "We Love OPM." Bukod pa dun ang full house ng nakaraang "Divas Live in Manila."
 
Ngayong 2016 ay nadagdag bilang talent ng Cornerstone si Jaya. Kasabay ng pagiging Kapamilya, ay pumirma na rin ng recording contract sa Star Music at nakatakdang mag-record ng album mid-2017. Ilang beses ding naimbitahang mag-show sa ibang bansa via TFC at RNG.
 
Masuwerte rin ang 2016 kay Kyla dahil siya ang kumanta ng theme song ng "Till I Met You" na teleseryeng umeere ngayon mula sa Dreamscape Entertainment.

Napasama rin siya sa grupong "ASAP" Soul Sessions, concert na "Divas Live In Manila" at naging 1st runner-up sa Himig Handog P-Pop Love Songs ang kinanta niyang finalist entry na "Monumento." Katulad ni Jaya ay under Star Music na rin at gagawa ng album sa 1st quarter ng 2017 si Kyla.

Nakakatuwa si KZ dahil natupad ang pangarap niyang mag-concert sa Araneta Coliseum dahil sa "Divas Live In Manila." Naka-3rd runner-up sa nakaraang Himig Handog P-Pop Love Songs para sa awiting "Laban Pa" at isa rin siya sa mentors ng "We Love OPM." Nakapag-record din siya ng kanta at nag-shoot ng music videos sa Singapore para sa next album niya mula sa Star Music.
 
Ang rumored boyfriend-girlfriend na sina Erik at Angeline ay nagkaroon din ng sold-out concert na "Royals" na ginanap sa SM MOA noong Pebrero 13 with special guests Martin Nievera at Regine Velasquez.
 
Siyempre, hindi rin nagpahuli si Rachelle Ann Go na kasalukuyang nasa New York City para sa Miss Saigon Broadway na mapapanood sa 2017. Katatapos lang niya sa London.
 
Taong 2016 din inilabas ang debut album ni Inigo Pascual at ang kanyang carrier single na "Dahil Sa ‘Yo" ay hit sa radio stations.
 
At ang tatlong blockbuster directors na mina-manage rin ng CS ay successful din sa kani-kanilang teleserye at pelikula tulad nina Direk Tonet Jadaone ("Till I Met You"), Direk Irene Villamor, at Bb. Joyce Bernal ("The Super Parental Guardians").
 
Mabenta rin ang career ni Gretchen Ho bilang isa sa TV host ng "Umagang Kay Ganda."
 
At ang original at pioneer talent ng Cornerstone na si Sam Milby ay sobrang abala sa teleseryeng "Doble" Kara na umabot na sa mahigit isang taon at top-rating sa Kapamilya Gold. Gagawa rin siya ng album mula sa Star Music sa pagtatapos ng serye sa 1st quarter ng 2017.
 
At pasok naman kaagad sa seryeng "My Dear Heart" ang hindi pinalad na makapasok sa BoyBand PH na si Mark Oblea. Pero hindi pa rin daw iiwan ng binata ang pagkanta.
 
Pasok din sina Nicco Manalo at Via Antonio sa seryeng "Ikaw Lang Ang Iibigin" bilang mga best friend respectively nina Kim Chiu at Gerald Anderson na mapapanood na ngayong 2017.
 
As of this writing ay nasa 68 na lahat ang artists ng Cornerstone Talent Management and still counting, ayon sa kanilang president and CEO.


The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER