• Home
  • News
  • REGGEE'S DIGEST: Is JC Santos in love?

REGGEE'S DIGEST: Is JC Santos in love?

May real-life Iris na ba si Ali (JC Santos)?

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

9/7/2016 in News
REGGEE'S DIGEST: Is JC Santos in love?

By Reggee Bonoan


Nagtataka kami kung bakit umalis kaagad si JC Santos o kilala ngayon bilang si Alejandro o Ali sa seryeng "Till I Met You" at hindi na pinanood ang musical play na "Ako si Josephine" gayung ang aga-aga pala niyang dumating.
 
Pagkatapos kasing mainterbyu si JC ng TV reporters ay kaagad na siyang nawala at nalaman namin na planong manood talaga ng baguhang aktor ng show dahil isa sa cast ay girlfriend niya, si Teetin Villanueva na gumanap bilang si Helena na kaibigan ni Josephine.
 



Kaso, mukhang hindi pa handa si JC na ilantad si Teetin sa media kaya kaagad na siyang umiwas.
 
Nakakataka lang dahil parehong single sina JC at Teetin.
 
Ang kuwento sa amin ng aming source, “eh, kasi bago palang si JC, so ayaw muna niyang ma-associate at saka baka makaapekto sa role niya sa 'Till I Met You.' O baka bilin ng manager niya na huwag muna iharap ang girlfriend.”
 
Simple lang ang beauty ni Teetin Villanueva kaya naalala namin ang kuwento ng kaibigan naming nakasama ni JC sa Hong Kong Disneyland na hindi raw mahilig sa sosyal o high maintenance ang baguhang aktor dahil simple rin siyang kind of guy.

At mukhang hindi nagpaalam si JC kay Teetin dahil pagkatapos ng show ay hinanap siya kaagad ng dalaga hanggang lumabas pa ito ng hallway at nakita naming nalungkot ito.
 
O baka naman may taping ng "Till I Met You"?  Pero parang wala kasi nanood din si Direk Antoinette Jadaone ng "Ako si Josephine."

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.


The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
Tags: ABSCBN 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER