• Home
  • News
  • Reggee's Digest: Mga awitin ni Yeng, hindi nakakasawang pakinggan

Reggee's Digest: Mga awitin ni Yeng, hindi nakakasawang pakinggan

"Ako Si Josephine" musical, nakakabitin?

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

9/23/2016 in News
Reggee's Digest: Mga awitin ni Yeng, hindi nakakasawang pakinggan

By Reggee Bonoan

Full-packed parati ang musical play na "Ako Si Josephine" na pinangungunahan nina Via Antonio, Joaquin Pedro, at Jon Santos na kasalukuyang ginaganap sa PETA Theater dahil halos lahat ng taga-showbiz ay paulit-ulit itong pinapanood.
 
Nakita namin ang post ng Dreamscape Entertaimment unit head na si Deo T. Endrinal na bumili siya ng isang gabi at inilibre niya ang buong staff sa isang gabi ng musika ni Yeng Constantino.
 
Magaganda naman talaga ang mga awiting nilikha ng "Pinoy Dream Academy" grand winner kaya hindi nakakasawang pakinggan tulad ng "Chinito" na ito rin ang pangalan ng leading man ni Josephine sa play.
 
Napanood namin ang "Ako Si Josephine" sa press night at nabitin kami sa mga awitin niya dahil umabot lang sa 20 songs. Hindi ba mas higit pa diyan ang hit songs ni Yeng?
 
Anyway, kahit na abala si Yeng bilang hurado ng "Tawag Ng Tanghalan" sa "It's Showtime" at "Pinoy Boyband Superstar" ay talagang gabi-gabi niyang pinapanood ang "Ako Si Josephine" sa PETA.
 
At sa mga gustong manood o gustong bumili ng show ay puwede kayong mamili sa mga petsang Setyembre 24 (Sabado) 3 at 8PM; Setyembre 25 (Linggo) 3PM; Setyembre 29 (Huwebes) 8PM; Oktubre 1 (Sabado) 3PM; Oktubre 2 (Linggo) 8PM; Oktubre 6 (Huwebes) 8PM; Oktubre 7 (Biyernes) 8PM; Oktubre 8 (Sabado) 3PM, at Oktubre 9 (Linggo) 8PM.

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.
The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
Tags: YengConstantino 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER