• Home
  • News
  • Reggee's Digest: Is Jake the real father of Andi's baby?

Reggee's Digest: Is Jake the real father of Andi's baby?

Max Eigenmann spills the beans on the real father of Andi's baby?

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

9/23/2016 in News
Reggee's Digest: Is Jake the real father of Andi's baby?

By Reggee Bonoan

Kumpirmadong si Jake Ejercito ang tunay na ama ni Ellie, anak ni Andi Eigenmann at hindi si Albie Casino tulad ng paulit-ulit na sinasabi ng aktres noon hanggang sa hindi na ito napag-uusapan ngayon.

Kaya pala biglang nanahimik na ang mga kampo ng bawa't panig at hindi na pinag-uusapan dahil alam na nila kung sino ang tunay na daddy ng bagets.
 
Sa panayam ng half-sister ni Andin a si Max Eigenmann kay Mo Twister sa "Good Times with Mo" podcast noong Huwebes ay kaswal na inamin ng aktres na si Jake nga ang tunay na ama ng pamangkin niya.
 
Sa kuwentuhan nina Mo at Max ay tinanong ng una kung sa tingin niya ay magkakaayos pa sina Jake at Andi na nagkaroon ng talakan sa kani-kanilang Twitter account.
 
At nagulat si Mo sa sagot ni Max.
 
“It doesn't bother me, whatever. They're always like that. You know he (Jake) is the father of my niece, right?”
 
Nagulat si Mo, pero sinabi nito na hindi naman si Jake ang biological dad ni Ellie.
 
Pero idiniin ni Max na si Jake nga.

“No, he is. They did a test. Yeah, he's the dad,” sabi ni Max.

Kaya nga raw madalas kasama at dinadalaw ni Jake si Ellie para iparamdam na hindi siya nagkukulang bilang ama ng anak.
 
“That's why he always posts photos of my niece,” sabi pa ni Max.
 
Sabay post din ni Mo ng live streaming podcast ng huntahan nila ni Max sa Youtube.

Sumasabay naman ang isyu sa papel ni Andi sa "The Greatest Love" na naghahanap sa pagmamahal ng ama kaya may kimkim din siyang sama ng loob sa nanay Gloria niyang si Sylvia Sanchez.
 
Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.
The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
Tags: AndiEigenmann 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER