• Home
  • News
  • REGGEE’S DIGEST: JC Santos' rumored girlfriend reacts on writeup

REGGEE’S DIGEST: JC Santos' rumored girlfriend reacts on writeup

Ano nga ba ang tunay na kaugnayan niya kay JC Santos?

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

9/12/2016 in News
REGGEE’S DIGEST: JC Santos' rumored girlfriend reacts on writeup

By Reggee Bonoan


Nag-react ang girlfriend ni JC Santos na si Teetin Villanueva sa nasulat namin dito sa  starcinema.com.ph. na lumabas noong September 7 na umalis kaagad ang baguhang aktor na kasama sa "Till I Met You" sa papel na Ali sa press night ng "Ako Si Josephine" the musical.
 
Malinaw ang pagkakasulat namin na pagkatapos makapanayam si JC ng TV reporters sa ginanap na press night sa PETA Theater noong Martes, September 6, ay hindi na namin siya nakita.

Pagkatapos kasi ng palabas ay hinanap si JC ni Teetin sa labas ng teatro at tinawag pang, "Si JC?  JC, JC?" at nu’ng hindi niya nakita ang boyfriend ay nalungkot siya.
 
Hindi na nga lang namin nasulat na inakbayan siya ng kaibigan niyang long hair dahil napansing nalungkot siya ng hindi niya nakita ang boyfriend.
 
Bago namin isinulat ang balita ito ay nagpadala kami ng private message sa Facebook account ni Teetin ng Miyerkules, September 7 ng, “hi po, this is Reggee Bonoan; okay po bang ma-interbyu kayo?”
 
Hindi kaagad nabasa ng dalaga ang mensahe namin kaya hindi namin nakuha ang panig niya sa sinulat namin na lumabas noong Setyembre 7.
 
Sa oras na 5:55PM, Setyembre 8 ay nag-post si Teetin sa FB wall namin ng, “It's you! You're the one who wrote about JC leaving after Act 1! I wish you could've asked me personally before making assumptions kasi, I was right there. :)”
 
Sinagot namin ang post ni Teetin ng, “please check your FB sent you a message.”
 
Hindi na-check ng girlfriend ni JC kung anong araw at oras kami nagpadala ng private message kaya nag-post muli siya sa wall namin.
 
“Mukhang okay naman kayo at nakakasulat based on assumptions so baka di niyo na kailangan mang-interview :) thanks for watching our press preview! Have a nice day :)”
 
Nagulat kami dahil unang-una, wala naman kaming sinulat na Act 1 at sinabi pang ‘making assumptions’ daw ang pagkakasulat namin.
 
Nabasa kaya ni Teetin ang buong sinulat namin? O baka ipinarating lang sa kanya dahil tulad nga ng pagkakasulat, walang "Act 1."

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.
The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
Tags: ABSCBN 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER