• Home
  • News
  • REGGEE'S DIGEST: The story behind Judy Ann and Ryan's new Las Vegas home

REGGEE'S DIGEST: The story behind Judy Ann and Ryan's new Las Vegas home

Judy Ann and Ryan Agoncillo got their Las Vegas home for a great deal

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

8/31/2016 in News
REGGEE'S DIGEST: The story behind Judy Ann and Ryan's new Las Vegas home

By Reggee Bonoan


Nasa Las Vegas, Nevada sina Judy Ann Santos-Agoncillo at Ryan Agoncillo para bisitahin ang nabili nilang bahay doon, dalawang taon na ang nakararaan.
 
May nag-post ng video sa Youtube tungkol sa nabiling bahay ng mag-asawa at ipinakitang binuhat ni Ryan ang asawang si Juday sabay sabing, "this is your new home."
 
Kuwento ng aming source ay sobrang mura raw ng pagkakabili nila sa bahay as in hindi mo akalain dahil nasa lugar ito ng mga casino.
 
“Sa tuwing pupunta kasi sila ng States, lagi silang nakikitira sa mga kaibigan o kamag-anak o kaya sa hotel, aminin natin, ang mahal ng hotel sa US at nakakahiya naman kung lagi ka na lang makikitira, lalo na kung dala mo mga anak mo.
 
“Eh mahal ang mga bahay sa LA (Los Angeles), mahal ang taxes sa California, same sa San Francisco
 
“Eh biglang may nag-offer na mura lang itong bahay sa Las Vegas, talagang mura as in, so kinagat na nina Ryan at Juday kaya hayan nabili na,” kuwento ng aming source.
 
Malaki ang bahay base sa napanood sa video at tinanong namin kung paano ang maintenance dahil hindi biro mag-maintain ng bahay sa ibang bansa lalo na kung walang titira.

“May nakausap na silang caretaker doon, baka Pinoy din.  Hindi ko pa masyadong nakukuha ang detalye,” say sa amin.
 
Hindi nasabi sa amin kung ilang square meters ang bahay at ang sabi lang ay tig-50% sina Juday at Ryan sa pagbili ng bahay nila.
 
Marami pa raw aayusin sa bahay at lalagyan pa ng mga gamit at 'pag ayos na ayos na ay dadalhin ng mag-asawa ang mga anak nila roon.

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.
The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER