• Home
  • News
  • Christopher De Leon topbills 'MMK' this Saturday

Christopher De Leon topbills 'MMK' this Saturday

"MMK" features the story of a family victimized by a kidnap-for-ransom group.

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

4/8/2016 in News
Christopher De Leon topbills 'MMK' this Saturday

KWENTO NG PAMILYANG BIKTIMA NG KIDNAP-FOR-RANSOM, IBABAHAGI SA “MMK”
 
Saksihan ang kwento ng katatagan ng isang pamilyang hinarap ang pinakamalaking pagsubok sa kanilang buhay nang mabihag ng isang rebeldeng grupo ang kanilang ama sa “MMK” ngayong Sabado (Abril 9).
 
Tahimik at kumportable ang buhay ng mag-asawang Alan (Christopher De Leon) at Liza (Sylvia Sanchez) at ng kanilang mga anak na sina Ana (Antoinette Taus), Jane (Marlann Flores), at Ryan (Rayver Cruz) na may kanya-kanya nang pamilya.
 
Ngunit nasira ito nang isang araw ay na-kidnap sina Alan at Liza ng isang rebeldeng grupo. Nakatakas si Liza, ngunit dinala si Alan sa Basilan bilang isang bihag.
 
Naging pinakamahirap na panahon sa kanilang buhay ang mga susunod na buwan dahil kapalit ng kalayaan ni Alan, humihingi ang mga rebelde ng napakalaking halagang hindi nila kayang ibigay.
 
Muntik nang sumuko sina Liza at Ryan na babalik pa si Alan, ngunit ipinagpatuloy nina Ana at Jane ang pakikipag-usap sa mga rebelde. Samantala, araw-araw namang nangungulila si Alan sa kanyang pamilya.
 
Tumagal ng pitong buwan ang negosasyon ng pamilya ni Alan at ng mga rebelde. Paano nabago ng pangyayaring ito ang kanilang pamilya? Nagawa pa kayang lumaya ni Alan mula sa pagkakabihag?
 
Kasama rin sa upcoming episode ng “MMK” sina Louise Abuel, Hyubs Azarcon, Kiko Matos, Junjun Quintana, Richard Quan, Ron Morales, Nico Antonio, at Gio Alvarez. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Dondon Santos, at panulat ni Benson Logronio. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.
Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, ANG “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER