• Home
  • News
  • 'MMK' features life of ex-PBB Teen housemate Barbie Imperial

'MMK' features life of ex-PBB Teen housemate Barbie Imperial

Be inspired and get to know more about the life of Barbie Imperial on "MMK."

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

4/28/2016 in News
'MMK' features life of ex-PBB Teen housemate Barbie Imperial

BARBIE IMPERIAL, ILALAHAD ANG KWENTO NG KANYANG BUHAY SA “MMK”

Lalo pang kilalanin ang dating “Pinoy Big Brother 737” housemate at GirlTrends member na si Barbie Imperial sa pagganap niya sa kwento ng kanyang buhay ngayong Sabado (Abril 30) sa “MMK.”

Nakilala bilang “Doll Along Da Riles,” lumaki si Barbie kasama ang kanyang inang si Marilyn (Aiko Melendez) na mag-isang tinataguyod sila ng kanyang kapatid. Ngunit lingid sa kaalaman ni Marilyn, hinahanap ni Barbie ang kalinga at pagmamahal ng kanyang ama na si Nelson habang lumalaki siya.

Akala ni Marilyn ay sapat na ang pagmamahal na naibibigay niya kay Barbie, hanggang sa sumali ang dalaga sa “PBB” upang dito ay maipahayag niya sa kanyang ama ang kanyang pangungulila.

Ngunit sa pagtatapat ni Barbie na kinikilala pa rin niyang ama si Nelson sa kabila ng pag-iwan nito sa kanila, nasaktan naman niya si Marilyn na sinubukang ibigay ang pag-aaruga at pagmamahal na kinailangan ng anak.

Habangbuhay na ba nitong malalagyan ng lama tang relasyon ng mag-ina?

Kasama sa upcoming episode ng “MMK” sina Ashley Sarmiento, Carlos Morales, Lance Lucido, Paolo Santiago, Dianne Medina, Joj Agpangan, EJ Jallorina, Mikylla Ramirez, Cheska Billiones, at Lowell Conales. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Dado Lumibao, at panulat ni Benson Logronio. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, ANG “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.
The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
Tags: ABSCBN 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER