• Home
  • News
  • #GIFVIBES: Dream boyfriend mo din ba si Daniel Padilla?

#GIFVIBES: Dream boyfriend mo din ba si Daniel Padilla?

Contributor shares "kilig" GIFs of Daniel Padilla

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

4/26/2016 in News
#GIFVIBES: Dream boyfriend mo din ba si Daniel Padilla?

By Anna Chavez


Sa wakas, nakahanap na ako ng paraan para mailabas ko ang lahat ng nararamdaman ko sa'yo Daniel Padilla.


Malalaman mo ang mga hugot at nararamdaman ko dito sa mga GIF galing sa mga palabas at teleserye mo noon.


Please enjoy! Ito'y pawang katotohanan lamang, walang mangba-bash sa akin please.


1. "She's Dating The Gangster"


via GIPHY


Naman, naman, naman! Bakit kahit gangster look ka kinikilig ako? Ayoko talaga sa mga lalaking long-haired but you are an exception. Ang hirap i-explain pero minahal ko ang Kenji role mo.


via GIPHY


Pogi na nga, magaling pa mag-basketball. Paano na ba 'yun? Bakit lahat na sa'yo na? Ang sarap imagine-in na ako si Athena, 'yung sa akin mo dinedicate 'yung shot mo na 'yun. Ay naku, kahit naman ako si Athena, ipagsisigawan ko talaga ang "Go sexy, go sexy, go sexy sexy love!"


2. "Must Be... Love"


via GIPHY


Ikaw ang Mr. Suave ng buhay ko! Tinitingnan ko pa lang, nakikiliti na ako. Tama na, Ivan please. 'Di ko na kaya!


via GIPHY


Ang sarap naman ng kindat na 'yan! Kahit ulit-ulitin mo, kikiligin pa rin ako! Sana one day makasama din kita sa Cebu (umaasa ako, kahit sa panaginip lang please!).



3. "Crazy Beautiful You"


via GIPHY


Ideal man ka talaga! Sana 'pag may nag-snatch din ng phone ko, ikaw din ang mag-save sa akin. Kahit sa palengke din, kahit gaano kabaho kaya kong tiisin para lang sa'yo Kiko!


4. "Sisterakas"


via GIPHY


'Yung first crush ko sa library ko din nakita! Eh naman eh! Bakit ka ganyan, bakit nasa library ka din? Bakit mo ako sinusulyapan? (Ay, feeling!) Alam ko ang library para sa pag-aaral, pero ano eh, di ko mapigilan!


5. "Pangako Sa'Yo"


via GIPHY


Ganyan din ba ang gagawin mo sa akin Angelo? Maipaglalaban mo rin ba ako gaya ng paglaban mo sa pagmamahalan niyo ni Yna?


via GIPHY


Pabayaan mo na si Yna, Angelo! Ako na lang, ako na lang! Ayoko nang umasa sa wala, pagbigyan mo naman ako. Pagod na ako kumatok, papasukin mo na ako. Promise, hindi kita sasaktan!


Daniel! Kung nababasa mo man 'to, ayan na inamin ko na ang pagmamahal ko sa'yo. Pero 'wag kang mag-alala, natanggap ko na kahit masakit, na hindi ko kailanman matatalo si Kathryn.


And wait........ Happy Birthday my Dream Guy! *please insert my kilig face*



The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
Tags: DanielPadilla 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER