• Home
  • News
  • SHEro: Peg ko si..... KATHRYN!

SHEro: Peg ko si..... KATHRYN!

Contributor talks about the many things she loves about Kathryn Bernardo.

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

4/12/2016 in News
SHEro: Peg ko si..... KATHRYN!

By: Anna Chavez


Bata pa lang ako gusto ko nang maging artista. 'Di ko alam kung bakit, ang alam ko lang gusto ko makita ako sa TV, yumaman ako at makakuha ng mga libreng damit at sapatos from endorsements. 'Yun ang gusto ko.


Pero habang lumalaki ako, parang gusto ko na ding maging doctor. Naisip ko din kasi baka naman hindi ako pwede pang-artista talaga. So paano ba 'yun? Ngayon, naka-graduate na ako, pero ni isa sa pinangarap ko hindi ko nakamit (swerte ko diba?).


Okay lang, ayan na eh. Gusto ko din naman kung nasaan ako ngayon. Pero noong isang gabi, habang nangso-stalk sa Instagram, nakita ko na naman ang idol ko na si Kathryn Bernardo. Hindi ko alam, pero "Mara Clara" pa lang nagustuhan ko na siya.


Inisip ko, ano ba ang nagustuhan ko sa kanya? Oo, magaling siya umarte, pero bukod doon ano pa?


Tumutulong siya sa mga batang may cleft palate. Naging ambassador siya ng Noordhoff Craniofacial Foundation. Ang dami niyang natulungang mga bata na hindi niya kailanman ipinagmalaki sa media. Well, nalaman lang naman natin dahil syempre artista siya, laging may camera na sumusunod sa kanya. Nabigyan niya ang mga ito ng panibagong buhay. 'Di ba gusto kong maging doctor? Baka kaya lalo akong natuwa sa kanya, kasi hindi man siya ang gumamot sa kanila, nagbigay naman siya ng tulong sa kanila.


Meron pa siyang bagong pinasok ngayon. Isa na siyang book author. O 'di ba, talented si Teen Queen? Iba talaga eh. Ang swerte ni Daniel Padilla. Hahaha.


Sinulat ko 'to hindi para i-build up si Kathryn (medyo lang. Joke!), kundi para ipaalam sa lahat na hindi natatapos ang pagiging artista sa pag-arte lang, dapat ay maging isang kang "role model" sa mga tao, lalung-lalo na sa kabataan.


Kaya Kathryn, kung nababasa mo man 'to, sana mas madami pang proyekto ang dumating sa'yo para mas madami ka pang matulungan na mga tao.


The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
Tags: KathrynBernardo 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER