• Home
  • News
  • REGGEE’S DIGEST: Karla Estrada, gagawa ng Darna spoof?

REGGEE’S DIGEST: Karla Estrada, gagawa ng Darna spoof?

Karla, may sariling version ng pagiging Darna! Reggee’s Digest By Reggee Bonoan

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

3/24/2016 in News
REGGEE’S DIGEST: Karla Estrada, gagawa ng Darna spoof?

Gusto talaga ni Karla Estrada na magkaroon ng concert. Sino ba namang singer ang hindi nangangarap nito?
 
Pero hindi raw niya akalain na agad-agad at kung kailan lumaki na siya, kaya nu’ng alukin daw siya ng producers ay tinanggihan niya kaagad pero nu’ng ilatag daw sa kanya kung ano ang mangyayari ay napapayag na siya.
 
Kaya sa Abril 30, sa KIA Theater ay mapapanood ang first major concert ni Karla na “Her Highness: The Queen Mother In Concert” produced ng Cornerstone Concerts at Aqueous Events and Smoovetimes Productions supported ng MYX, ABS-CBN Interactive.
 
Hindi naman na bago kay Karla ang pagkanta dahil pag-alala niya, “Six years ago, sa isang maliit lang na venue, I used to sing naman talaga ng mga special shows, pero hindi ‘yung ganito na medyo may kalakihang venue na maraming tao.
 
“Kaya nu’ng ialok sa akin itong show, I immediately say NO, sabi ko ayaw ko kasi hindi ako handa, wala akong praktis. Ako kasi maski na maliit ang venue kung ang sasabihin naman ng tao ay, ang ganda ng show, ang ganda ng boses mo, masaya ‘yung show, pero nu’ng tinanong ako, sabi ko hindi ako handa.
 
“Ang tagal ko nang hindi kumakanta ng marami, paisa-isa lang.  Iba kasi ‘pag marami, endurance kasi ‘yun, dapat kayanin mo, hindi ka hingalin, kahit love songs lang ang isang kanta, nakakahingal ‘yun.
 
“Napapayag lang nila ako nu’ng inupo nila ako at nilatag sa akin kung ano ‘yung mangyayari, ganito-ganyan at in-assure naman nila na hindi naman ako lahat ‘yung kakanta.  Ibig sabihin mga four songs lang ako, charot!”
 
Nagsimulang kumanta si Karla sa Tacloban (City). “Siguro lahat ng kumakanta lalo na nu’ng bata na pangarap nilang magkaroon ng concert,” balik-tanaw ng singer.
 
At bilang paghahanda sa nalalapit niyang show, sabi ni Karla, “panay ang exercise ko ngayon kasi ang diaphragm natin kapag hindi na-practice, nauubusan ‘yun ng air, so may certain exercises para maging maayos ‘yung breathing mo when you sing.”
 
At maski na wala na siyang gig ay naalagaan niya ang boses niya.
 
“Hindi naman kasi ako tumigil sa pagkanta, maski na nasa bahay ako, nagpa-praktis ako, ‘yung mga mahabang panahon na wala akong soap, lahat ‘yun ikinakanta ko.
 
“Kaya kung hindi man ako nakilala sa larangan ng pagkanta, iisa lang ang masasabi ko, binuhay ko ang mga anak ko sa larangan ng pagkanta,” pagtatapat ng ina ni Daniel Padilla.
 
Samantala, ngayong nakapirma na sa ABS-CBN si Karla ay inamin niyang nasa alapaap pa rin siya dahil pagkatapos daw ng “Your Face Sounds Familiar” Season 1 ay sunud-sunod na ang guestings niya sa Kapamilya network.
 
“Gusto ko lang naman talagang mag-enjoy kasi tawang-tawa sa akin ‘yung mga tao, sa totoong buhay ganito kasi talaga ako. Kapag nakausap n’yo ‘yung mga kaibigan ko nu’ng araw pa, tawang-tawa talaga sila kasi ganito talaga ako, masayahin lang ako, so hindi ko alam na nakita na pala ‘yun ng network ko na the uniqueness side of me.
 
“May uniqueness silang nakita kaya sabi ko, e, bakit hindi kung nakakapagpasaya, sige po (nung alukin siya ng kontrata),” kuwento ni Karla.


May offer bang talk show kay Karla na ipapalit sa timeslot ng “Kris TV”?
 
“Wala, ganito lang naman ako, maingay lang ako, pero wala ako ‘yung ganyan, siguro dahil din sa nagre-require ‘yun ng malalim na pinag-aralan, ibig kong sabihin kung ano lang ‘yung kaya kong gawin at ang kaya kong gawin ay patawanin at magbigay ng saya talaga.
 
“Marami rin naman akong alam na pupuwedeng hindi rin alam ng iba, but definitely, hindi ako narito para palitan ang isang show, wala akong ganu’n.
 
“Tapusin na natin ‘yung kay mareng Kris (Aquino) kasi nakakatawa at nakakahiya sa kanya. Ang layu-layo at napakatalino ng babaeng iyon,” paliwanag ni Karla.
 
Ang pangarap ni Karla ay travel show. Aniya, “gusto kong puntahan ang lahat ng sulok ng Pilipinas kasi ang dami pang hindi natin nalilibot, gusto ko ‘yung super-masa, affordable na makaka-discover na puwede kang mag-overnight ng dalawang piso lang, tapos ang kakainin mo mga kwek-kwek kasi mas masaya ako sa ganu’n.”
 
Kaya tinanong namin kung binanggit ba niya sa management na travel show ang pangarap niyang magkaroon.
 
“Hindi pa, hayan narinig na nila, ha, ha. Pero ‘di ba minsan sila ‘yung nakakakita ng mas malaking view, so ako naman, ‘yun lang ang gusto ko. Pero kung ano naman ‘yung ibigay sa akin, definitely para iyon sa ikabubuti ko na,” say ni Karla.
 
At sa tanong namin kung seryoso si Karla na gawing spoof ang Darna na Barna.
 
“Naku si Viceral (Vice Ganda) ang nagbigay sa akin na Darna na si Barney, oo ‘di ba, nakakatawa ‘di ba? Sana iwasan lang natin ulit ang paglilipad, iwasan natin ang mga crash landing.
 
“So, oo nakakatuwa ‘yun kaya imbes na bato [lulunukin], siopao, pagkain ang isusubo. Kaya I think hindi na ako magdi-Ding kasi baka iyon (siopao) ang isubo ko, ‘yung bata. Gusto ko ‘yung Barna,” natatawang sabi ng aktres.
 
Samantala, kuwento ng aming source ay apat na programa raw ang nakapaloob sa two-year contract ni Karla Estrada sa ABS-CBN at dalawa na ang existing.
 
Ang dalawang programa ay ang “Tawag Ng Tanghalan” segment sa “It’s Showtime” kung saan isa si Karla sa hurado kasama sina direk Bobot Mortiz, Nyoy Volante, Karylle, Yeng Constantino, Rey Valera, at Mitoy Yonting.

Ang comedy show na pagsasamahan nina Karla at Bayani Agbayani na kasalukuyang nagte-taping at ipalalabas sa Cine Mo ‘To na mapapanood sa Sky Cable Channel 4.


Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.


The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
Tags: KarlaEstrada 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER