• Home
  • News
  • REGGEE'S DIGEST: Get to know Hashtags' Paulo Angeles

REGGEE'S DIGEST: Get to know Hashtags' Paulo Angeles

Hashtags member Paulo Angeles defends Diego Loyzaga.

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

3/22/2016 in News
REGGEE'S DIGEST: Get to know Hashtags' Paulo Angeles

Reggee's Digest
By Reggee Bonoan
 
Na-curious kami sa grupong Hashtags na sikat na ngayon kaya nagpa-set kami ng schedule na makausap isa-isa ang grupo at ang inuna naming makatsikahan ay si Miguel Paulo D. Angeles.
 
Unang napanood si Paolo sa "Mirabella" nina Julia Barretto, Enrique Gil at Sam Concepcion noong 2014 at nakapag-guest din daw siya sa "Sana Bukas Pa Ang Kahapon" nina Bea Alonzo at Paulo Avelino na umere noong Hunyo 2014.
 
Si Michelle Vito raw ang ka-loveteam ni Paulo at napasama raw sila sa "Dream Dad" nina Zanjoe Marudo at Jana Agoncillo bilang anak ni Atoy Co.
 
Supposedly, kasama sina Paulo at Michelle sa seryeng "Someone To Watch Over Me" nina Judy Ann Santos-Agoncillo at Richard Yap.
 
Kaya ngayon ay, “ [It's] Showtime' lang talaga ang regular show ko,” sey niya.
 
Hindi naman tumigil sa pag-aaral si Paolo.

“I still go to school every Tuesday at Friday sa Trinity University of Asia (former Trinity College), I’m taking Marketing po.”
 
Samantala, inamin ni Paulo na noong high school days niya ay maloko siya at talagang mainitin ang ulo niya at dumating sa one-on-one sapakan pero ngayong college na siya ay umiiwas na siya kaya siya lumipat ng eskuwelahan dahil nabu-bully siya.
 
“Noong nasa Angelicum po ako, nabu-bully ako kaya lumipat po ako ng school, hindi na po kasi ako ganu’n, kesa mapunta po sa gulo, umalis na po ako,” katwiran ni Paulo.
 
Pamilya ng mga doktor at abogado sina Paulo at plano rin naman niyang sundan ang yapak ng daddy niyang doktor, kaso nag-artista raw siya kaya business course na ang kinuha niya.
 
“Pero pumasa po ako sa FEUMNRF, nutritionist, pero hindi po ako nag-enrol kasi hindi raw po puwede roon ang pa-absent-absent,” kuwento ng binatilyo.
 
Kaya raw nutritionist ay para siya ang maging dietician ng tatay niyang doktor.

 
Anyway, may background sa dancing si Paulo noong high school kaya hindi siya nahirapan sa audition ng Hashtags at napili nga silang labing-isa.
 
Dapat ay trese silang lahat, pero ‘yung dalawa raw ay may mga teleserye na kaya hindi na isinama pa.
 
Sa tanong namin kung iiwanan ba niya ang Hashtags kapag nagkaroon na siya ng teleserye, sabi niya, “I’ll stick with them po.”
 
Paano kung sunud-sunod na ang projects niya?

“Siguro po teleserye, wala naman pong boy group na nag-stick forever, di ba?” nabagong sagot ng bagito.
 
Sikat na ba ang Hashtag? “Ayaw ko pong isiping sikat, pero unti-unti, umaangat na day-by-day and thankful ako sa opportunity.  Kasi two years po ako sa showbiz, hindi naman ako nakilala," paliwanag niya. “I give myself 5 or 6 years to make it big at sabi nga po ng handler ko, mas magandang unti-unti para matututo ako para maging humble ka."
 
At sa gustong sundan ni Paulo in terms of dancing and singing, “si James Reid po, pero pagdating po sa acting, Paulo Avelino, John Lloyd Cruz, at JM de Guzman po,” sey niya.
 
Sabi namin ay malalim na aktor ang mga binanggit niya at para magampanan ang mga ganitong papel ay may mga saltik sila lalo na kung bad boy ang role nila.
 
May saltik o other side rin ba si Paulo kapag galit? "May times po na moody ako, tahimik po ako sobra kapag may iniisip ako, kapag makulit, sobrang kulit naman.”
 
Samantala, kaibigan pala ni Paulo si Diego Loyzaga na sangkot ngayon sa bugbugan sa magkapatid na taga St. Benilde College at inilarawan niya kung gaano kabait na tao ang anak ni Cesar Montano kay Teresa Loyzaga.
 
“Diego is my friend po, magkasama po kami sa 'Mirabella.'  Knowing Diego, mabait po siya at hindi ako showbiz pero nu’ng 'MiraBella' days, si Diego ‘yung nag-welcome po sa akin sa pagiging artista, mabait po siya sa akin at kahit pagtripan ko siya, inaasar ko siya, hindi siya pikon, never nagkaroon ng point na napikon siya. For me po, support ko si Diego all the way,” kuwento ng binatilyo.

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.


The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
Tags: DiegoLoyzaga 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER