Reggee's Digest
by Reggee Bonoan
Bagama’t hindi pa alam ni Richard Poon ang buong detalye ng show nila ni Richard Yap na gaganapin sa Philippine International Convention Center o PICC sa darating na Agosto ay naikuwento niyang maganda ang repertoire nilang dalawa.
Say ng Big Band Crooner, “Hindi ko pa masyadong alam lahat ang detalye, pero siya (RY), more on pop crooning na nasa 80’s o 90’s. Ako naman, swing pa rin tapos kakanta ako ng Chinese song, hindi ko lang sure kung kakanta rin siya. Parang ako lang yata. Pero may duet kami ng 'Beautiful Girl' na ako ‘yung kakanta ng Chinese, tapos siya ang English lyrics.
“Okay na para maiba naman dahil pareho kaming Chinese at may market din kaming Chinese, may Pinoy din, pero feeling ko, may mga supporters siyang more on Chinese."
Tinanong namin kung may dance number sila, at biro ni RP (tawag kay Richard), “meron, abangan mo."
Samantala, bihira na lang palang mapanood si Richard sa "ASAP 20" simula nu’ng nag-reformat ang show dahil nagbawas ng oras.
At buwag na pala ang grupong Sessionistas.
Paliwanag ni RP, “Wala ng Sessionistas, ang pumalit doon, Love Songs Stories (LSS) na. Saka paiba-iba ‘yung singers, iniikot, si Jolina (Magdangal) lang ‘yung nagna-narrate at sa LSS na segment, paiba-iba.
“Saka hindi na rin mabubuo ang Sessionistas kasi wala na si Aiza, haligi ‘yun, eh, hindi puwedeng wala ‘yun."
At kahit hindi na gaanong napapanood si Richard Poon sa "ASAP" ay mabenta pa rin siya sa corporate at out-of-the-country shows.
At kapag wala raw masyadong ginagawa ang Big Band Crooner ay tinutulungan niya ang asawang si Maricar Reyes sa chocolate business nito.
Kuwento ni RP, “Iyon kasi ang pang-matagalan (business), alam ko na malaki pa ang ilalaki niya, alam ng mga negosyante ‘yan, kaya lang dahan-dahan muna.
“Ngayon, wala pa kaming physical store, puro pick-up point muna [and] so far okay naman. Pero within the year baka mag-set up na kami ng store, tapos may bago na naman kaming lalabas na [flavor], it’s mocha bourbon (like coffee), pero may alak din tulad ng chocolate cake namin (choco liquor).”
Ang paghalo ng liquor sa cake ang trademark daw ni Maricar.
“Para maiba kasi ‘yung iba, pare-pareho na lahat ng cake, eh,” pag-amin ng hubby ng aktres.
Parang ang layo ng kursong tinapos ni Maricar bilang doktora at pasado sa medical licensure exam noong 2008 sa pag-bake ng cake.
“'Di ko alam, mahilig siya sa sweets, eh, sweet tooth siya. Natuto nga akong mag-dessert dahil sa kanya, tapos ako ‘yung nag-aayos ng formula nu’ng chocolate, tapos tinikman ko, ina-adjust ko, so ‘yun ‘yung lumabas lasa nu’ng chocolate cake namin,” kuwento pa ni Richard.
At nagulat kami dahil hindi pala mahilig ang singer sa matamis. Say niya, “Matalas ang dila ko, pero wala akong amor masyado sa sweets, e, siya mahilig siya sa sweets so pinatikim niya sa akin, sabi niya, ‘Ito ang gusto kong gawin, ayokong mag-doktor, gusto kong mag-bake’ so sabi ko, sige mag-bake ka.
“
Hindi naman pormal ‘yung training ni Maricar sa baking. Nagpaturo kami sa kaibigan naming pastry chef, paturo siya sa isang professor tapos in-adjust na namin ‘yung cake, ngayon okay na, gustung-gusto na ng tao. Tapos ngayon nga, may bago na kaming lalabas in one or two months, mocha bourbon."
Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc
The ultimate online fan experience gets even better here at
starcinema.com.ph.
See other latest news here, visit our
online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on
Fans Speak!
For more updates:
Follow Star Cinema:
Twitter:
@StarCinema
Instagram:
starcinema
Google Plus:
ABSstarcinema
Youtube:
ABSstarcinema
Facebook:
StarCinema
Snapchat:
starcinema
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit
www.starcinema.com.ph