• Home
  • News
  • LoiShua to make fans all 'kilig' in 'MMK's' pre-V-Day episode

LoiShua to make fans all 'kilig' in 'MMK's' pre-V-Day episode

Joshua Garcia plays gay teen who falls for Loisa Andalio's character.

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

2/12/2016 in News
LoiShua to make fans all 'kilig' in 'MMK's' pre-V-Day episode

KWENTO NG BADING NA NAGMAHAL NG BABAE, TAMPOK SA “MMK”
 
Tunghayan kung paano magagawang baguhin ng pag-ibig ang puso ng isang tao sa kwentong pagbibidahan ng teen stars na sina Joshua Garcia at Loisa Andalio sa “Maalaala Mo Kaya” ngayong Sabado (Feb 13).
 
Mula pagkabata, alam na ni Ernesto (Joshua Garcia) na isa siyang bading ngunit itinatago niya ito dahil sa takot niya sa kanyang ama. Pero nang makilala niya si Jonna (Loisa Andalio), isa sa kanyang mga kaklase, nagulat siya nang unti-unting nahulog ang kanyang loob para sa dalagita na kalauna’y kanyang naging nobya.
Dumating ang panahon na kinailangang umalis ng pamilya ni Ernesto sa probinsya at tumungo ng Maynila. Pagdating sa Maynila, nakaramdam ng kalayaan si Ernesto at tuluyan na ngang inilantad ang kanyang tunay na pagkatao. Mula sa pagiging Ernesto, siya ay naging si Barbie at nakilala ang binatang si Jason na nakapagpakalimot sa kanyang nararamdaman para kay Jonna. Ngunit nang malaman niyang ginagamit lamang pala siya nito para sa pera, nakipaghiwalay si Ernesto kay Jason.
 
Matapos ang dalawang taon, nagdesisyong bumalik ang pamilya ni Ernesto sa probinsya. Bilang Barbie, muling nagkita sina Ernesto at Jonna. Paano matatanggap ni Jonna na isa palang bading si Ernesto? Manumbalik pa kaya ang kanilang pagtitinginan? Paano mababago ni Jonna ang puso ni Ernesto?
 
Kasama rin sa “MMK” episode sina Aleck Bovic, Rommel Padilla, Bugoy Cariño, Patrick Sugui, Marlann Flores, Johan Santos, Kokoy de Santos, Maritess Joaquin, at Kamille Filoteo.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial.
Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “MMK” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon. ‪#‎MMKLoveWins

The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER