• Home
  • News
  • Reggee's Digest: Diego Loyzaga shares how he bonds with dad Cesar, Sofia Andres

Reggee's Digest: Diego Loyzaga shares how he bonds with dad Cesar, Sofia Andres

Ano ang namana ni Diego sa amang si Cesar?

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

2/10/2016 in News
Reggee's Digest: Diego Loyzaga shares how he bonds with dad Cesar, Sofia Andres

Reggee's Digest by Reggee Bonoan

Parang real-life story ang kuwento ni Diego Loyzaga bilang si David sa "Pangako Sa'Yo" na may gusto kay Kathryn Bernardo na napunta kay Daniel Padilla.

Sa youth-oriented show na "Gimik 2010" bukod pa sa school mate noong high school, sina Diego at Kathryn pala ang madalas magkasama at close noon, pero hindi naman daw umabot sa relasyon, ito ang kuwento ng aktor sa "Gandang Gabi Vice" noong Linggo.

Kaya inaasar ni Vice si Diego na ang lakas ng loob niyang sabihin na naging close sila ni Kathryn gayung naroon din si Daniel na nakatingin sa kanya.

Pero humirit si DJ na "inagaw" nga raw niya si Kathryn kay Diego kaya sila na ngayon at sinabi naman din ng batang Montano na matagal na siyang naka-move on.

Oo dahil may Sofia Andres na nga si Diego kaya tinanong namin kung ano na ang update sa relasyon nila.

“Sofia and I are great, we're good friends.  Heto magkausap kami ngayon (hawak ang cellphone), actually susunod (ako), kakain lang muna kami ni ate (personal assistant niya) kasi hindi pa kami kumakain (dinner).  Pupunta kami sa event na magkasama kami ni Sofia ro’n (endorsers)...”
 
Talaga, good friends lang? “Yeah we are really good friends kasi wala namang balak o naghahanap si Sofia po ng relationship more than friends and same with me naman. We’re being nice to each other naman.
 
“Nagustuhan namin ang company ng isa’t-isa kasi it became like a common thing talaga na magkasama kami sa 'ASAP Chill Out...' and then magkakaroon kami ng project (serye), so parang may mga workshop din, so parang it was not planned na almost everyday magkakasama kami talaga, sa 'MMK (Maalaala Mo Kaya)' din kami, so unplanned.  We kinda like each other’s company kaya may mga balita na lumalabas kami, so ‘yun.”
 
Inamin din ni Diego na nagka-clubbing sila ni Sofia.

"Nakita rin kami sa club. Baka isipin nagdi-date kami sa club kasi magkasama kami. Kasi we have mutual friends pa, it was the birthday of Julian Estrada (anak nina Senator Jinggoy Estrada at Precy Vitug), so nakita kami sa Valkyrie. At saka ipinagpapaalam ko naman si Sofia kay tita Monet (mommy ng dalagita)."

At nag-usap daw sina Diego at Inigo Pascual tungkol kay Sofia.

“Magkaibigan po kami ni Inigo, opo (nag-usap).  Napag-usapan nga namin ito sa 'GGV' [taping] kanina na ang mga lalaki na usapan ang loyalty na hindi na kailangang pag-usapan.
 
“Parang may rules kami, bro code, siyempre kung ex (girlfriend) ng isang bro, hindi sa hindi puwedeng [ligawan], pero there’s an awkwardness to it. Pero sinabi ko kasi [kay Inigo] na magiging love team ko si Sofia, hindi ko naman pinili ‘yun, it’s the management choice so parang sinabi ko lang sa kanya in the most gentle, kindest and sincere way na, ‘Bro, there’s no disrespect, it’s just work. Work is work.’ Kaya kapag tinatanong ako kung ano'ng mayroon sa amin ni Sofia, sabi ko we’re friends,” kuwento ng aktor.
 
Paano kung na-develop na sila sa isa’t-isa ni Sofia dahil madalas silang magkasama?
 
“Wala po akong masasabi ro’n, pero as of now po, malabo pang mangyari ‘yun, focused sa work po and she’s (Sofia) just 17 and I’m 20, hindi naman ganu’n kalaki ang age gap,” napangiting sagot ng binata.
 
“I’m extra nice to Sofia, I always thinking kung ano'ng interest niya, kung okay kapag kasama ko siya, hindi naman sa gentleman ako sa lahat, but when it comes to Sofia, lagi kong iniisip kung she’s alright, kung naiilang ba siya sa mga kasama namin kasi napakilala ko na siya sa mga kapatid ko (mga anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano), sa erpat ko, sa ate ko (Angela) kasi baka isipin niya, rushing in the things, na-awkward siya, so I’ll make sure na things are always alright between us, ayokong may katrabaho ako na hindi kami okay," sabi pa sa amin ng binata.
Binanggit din ni Diego na binisita na siya ni Sofia sa taping ng "Pangako Sa ‘Yo."
 
“Tuwang-tuwa nga po ako, nu’ng binisita niya ako sa taping ng 'Pangako,' I guess natuwa rin naman siya nu’ng isinama ko siya sa mga kapatid ko saka sa birthday ng ate ko (Angela).  I really enjoy her company and kahit ‘yung dad and mommy niya, I get along with them, her brothers and her sister,” masayang sabi ng binata.
 
Samantala, nag-iisang anak na lalaki si Diego ni Cesar Montano sa ngayon. May pressure ba sa parte niya since pareho silang nasa showbiz?
 
“Hindi lang po the last son of my dad, but I’m also the youngest male na Loyzaga ang apelyido. ‘Yung kapatid ko po (kay Teresa), Dizon po ang apelyido.
 
“So, maliban po doon sa ako na lang ‘yung Montano na anak ni Cesar Montano, it was also a pressure na ako na rin ang youngest Loyzaga at ang laging tanong sa akin ay kung magaling akong mag-basketball.
 
“Sensya na lang na hindi ako lumaki rito sa Pilipinas, so hindi ko naging sport ang basketball, hindi ko talaga nahasa, but of course, gusto ko, lagi akong nanonood ng NBA, I always play... I tried, I play pero hindi ako kasing galing ng Loyzaga brothers, Dynamic Duo, my grandfather, iba pa rin po sila,” katwiran ng aktor.
 
Mahilig din daw sa basketball si Diego, pero paliwanag niya, ”mas nakuha ko po ‘yung artistic side kaysa sa sports side. Mas natutuwa ako, mas naku-curious ako, I’m more intrigued by the showbiz thing more than the sports."
 
At sabi namin na nakuha naman niya sa mommy Teresa, Tita Bing Loyzaga, at papa Cesar ang artistic side niya.
 
Nakuwento rin ni Diego na madalas silang mag-bonding mag-ama.
 
“Okay na okay kami ni papa, dapat nga po manonood kami ng basketball kagabi, ‘yung game 7, kaso napaka-traffic, two hours from here (ABS-CBN) at umabot palang kami sa Greenhills, e, 7 (p.m.) ‘yung game sa (SM) MOA, kaya sabi ko, ‘Dad pasensiya na talaga, hindi pa kami kumakain, two hours na kami sa traffic, uuwi na lang po kami, sorry hindi na ako makakaabot.'
 
“We always make time na magkasama, dapat Sunday, kaso nabigyan ako ng 'ASAP' (segment). ‘Yan lagi ang hinihiling sa akin ni dad na Sundays, ibinibigay sa Diyos, kaya sabi ko, ‘Dad I’m sorry, hindi nagtatagpo ang araw kasi Sunday ang araw ng trabaho, pero sa ibang araw na walang trabaho, I’ll go visit him sa house niya sa Tivoli (Subdivision).
 
“Si erpats kasi parang bata rin, magja-jogging kami, magba-boxing kami, magba-basketball kami, mas fit pa siya kaysa sa akin, mas health buff pa siya sa akin,” natatawang sabi pa ni Diego.

Excited naman ang aktor sa next project nila ni Sofia at sana raw dahil sila na ang magkapareha.

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.

The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
Tags: DiegoLoyzaga 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER