• Home
  • News
  • Reggee's Digest Rosanna Roces, muling magpapa-sexy?

Reggee's Digest Rosanna Roces, muling magpapa-sexy?

Osang, nagkuwento tungkol sa lagay ng kanyang kalusugan

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

11/8/2016 in News
Reggee's Digest Rosanna Roces, muling magpapa-sexy?

By Reggee Bonoan


Bisi-bisihan na ulit sa paggawa ng pelikula si Rosanna Roces sa 2017 kaya kailangan niyang magpa-sexy o ibalik ang dati niyang pigura.
 
Gagawa ng indie film si Osang na isasali sa 2017 Cinemalaya bukod pa sa pelikulang si Adolf Felix ang direktor.
 
Pagkukuwento ng aktres, “'Yung director ni Judy Ann Santos sa 'Kusina,' siya rin ang magdidirek ng movie ko.  Ipinadala na ‘yung script at gustung-gusto ko, actually noon pa.”
 
Hindi naman daw totally nawala sa showbiz si Osang.

“Hindi ako talaga nawawala, pawang indie films lang ginagawa ko kasi hindi ko naman ugaling mamalimos ng pelikula (commercial), saka nakikipag-co-produce ako sa mga pelikulang ginagawa ko. Itong sa Cinemalaya 2017, sabi ko gusto kong mag-co–prod,” paliwanag niya.
 
Parati raw bumibiyahe si Rosanna sa iba’t-ibang probinsya sa Pilipinas dahil inililibot nila ang pelikula niyang 'Guro' na taong 2013 pa ito natapos ni Direk Neal Tan at bukod kay Osang ay kasama rin sina Bembol Roco, Tessie Tomas, Ina Feleo, Lemuel Pelayo, Daria Ramirez, Kerbie Zamora, at Anita Linda.
 
“Marami nang napuntahan ‘yung movie ko na 'Guro' kasi pang-estudyante talaga, different kinds of students na kailangan mong pagtiyagaang turuan,” kuwento ng aktres.
 
Nabanggit pa nga ng aktres na medyo naapektuhan ang pagpapalabas ng 'Guro' sa ilang eskuwelahan sa probinsya partikular noong nasa Naga City siya dahil dito pumutok ‘yung isyung nagdadala siya ng babae sa National Bilibid Prison.
 
“Siyempre teacher ang papel ko sa pelikula tapos mababalitang nagdadala ako ng babae sa kulungan. Maraming gustong mag-interview sa akin noon, pati ‘yung ABS-CBN Naga, talagang tumatanggi ako.
 
“Gusto ko kasi, ako mismo ang gagawa ng statement ko, ako ang magsasalita, pinost ko sa FB ko kasi baka maiba lang kaya gusto ko, ako mismo susulat.
 
“Tapos nung lumabas, okay naman kasi babae lang talaga ang dinadala ko at dalawang beses lang ‘yun,” paliwanag mabuti ni Osang.
Sa isyung human trafficking daw ang pagdadala ng aktres ng babae sa Bilibid, “Wala namang nagi-isyu. Actually hindi naman basta makakapasok (babae). At saka hindi naman tungkol sa akin ‘yung hearing, kay (Senator) Leila de Lima ‘yun,” pangangatwiran sa amin.
 
Dagdag pa niya, “ang importante, hindi ako naiiwan sa kulungan para mag-overnight, at saka mainam na rin na sinabi kong babae, kasi baka isipin nila drugs, eh.
 
“Hindi biro ang drugs. 'Pag isinawsaw mo ang daliri ng paa mo diyan, damay na ang pamilya mo diyan. Mahirap na kalakaran ‘yan, hindi biro."
 
Dahil balik pelikula na nga ulit ang aktres sa 2017 ay dadaan ulit siya sa liposuction
 
Kuwento ni Osang, “more than anything, kailan matanggal na itong mammoplasty, ‘yung silicon kasi talagang pinapahirapan na ako, nagsiksik na lahat ng taba, tapos 20 years na rin which is dapat, 10 years papalitan na.
 
“So ‘yung 90cc na pagkaliit-liit lang dati, eh lumaki na ng husto at nagko-cause na ng pain sa likod ko.  Hindi kagandahan talaga ang magpalagay ng silicon.
 
“Kaya ‘yung mga nagbabalak magpalagay, i-enjoy niyo na lang ‘yung pagka-natural niyo.  Hindi talaga healthy.
 
“Unang-una hinihingal ako lagi, ngayong tumigil na akong manigarilyo, dapat gumaan ang katawan ko, pero hindi pa rin, dumadagdag ako ng timbang, sa kanya (suso) napupunta lahat. Kaya kahit hindi ganun kalaki ang katawan ko, akala ng lahat, ang laki-laki ko,”
 
Dagdag pa niya, “Si doc Edmund Syjueco ang magtatanggal ng silicon ng Boost Beauty City Aesthetic Clinic na pag-aari ng magkapatid na Tinnie at Bim Crame.  Nung kinontak nga nila ako, go ako kaagad kasi libre eh.”
 
Kasama si Osang sa endorser ng Boost Beauty Clinic kasama si Margo Midwinter na dating FHM model at 'Pinoy Big Brother 737' ex-housemates ang guest sa bagong bukas na clinic sa 361 Bisita Street, Binakayan Kawit, Cavite noong Sabado, Nobyembre 5.
 
Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.


The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
Tags: ABSCBN 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER