• Home
  • News
  • Reggee's Digest: Guess who is Arjo Atayde dating?

Reggee's Digest: Guess who is Arjo Atayde dating?

Someone new is making Arjo smile these days

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

11/7/2016 in News
Reggee's Digest: Guess who is Arjo Atayde dating?

By Reggee Bonoan


May announcement bukas, Martes, November 8 ang "OTJ (On The Job)" The Series cast na mapapanood sa HOOQ online streaming service na sina Arjo Atayde at Maja Salvador ang pangunahing bida.
 
Sabi ng PR head na si Ed Uy ay marami pang cast na kasama at ayaw niyang banggitin sa amin kung sinu-sino nu’ng tanungin namin siya kahapon, November 6.
 
Samantala, nagdiwang ng 26th birthday si Arjo sa Basil Authentic Thai Restaurant noong Linggo ng gabi at bilang lang ang imbitado niya dahil gusto raw niya ay intimate dinner kasama ang buong cast ng "FPJ’s Ang Probinsyano," personal na kaibigan at buong pamilya Atayde sa pangunguna siyempre ng lolo at lola niya, mga pinsan, magulang, at mga kapatid.
 
Kasabay na rin ang pasasalamat-cum-blow-out ng aktor sa pagkapanalo niya bilang Best Supporting Actor sa nakaraang PMPC Star Awards for TV para sa "Ang Probinsyano."
 
Hindi naman nakarating si Coco Martin sa party dahil nasa Amerika at may show pati ang Dreamscape Entertainment head na si Deo T. Endrinal ay wala rin dahil nasa Europe naman kung saan nag-celebrate ng kanyang kaarawan.
 
Nang tanungin namin kung ano ang birthday wish ng aktor ay ang ganda-ganda ng ngiti sa amin.
 
‘Yun pala, may dine-date na siya at miyembro raw ng grupong GirlTrends na napapanood sa "It’s Showtime" at ayaw pa nga sanang ipakilala sa amin dahil baka intrigahin namin.
 
Mabilis ang pang-amoy namin dahil napansin naming may isang babaeng nakaupo sa long table kung saan nakaupo ang "Probinsyano" boys sa pangunguna nina John Prats, Pepe Herrera, Marc Arcueza, Benj Manalo, Michael Roy Jornales, Archie Alemania, at iba pa.
 
Saka na namin babanggitin ang pangalan ng girl para hindi na maudlot ang panliligaw ng aktor dahil sabi nga niya, “Kakakilala lang po, Tita Reggee, sa Star Magic ball, ipinakilala po siya sa akin ng handler ko.”
 
Sa madaling salita, siya ang special guest ni Arjo sa kanyang birthday celebration?

“No naman Tita, she’s one of my guests, marami naman sila, of course my family and the cast of 'Probinsyano.' I just invited her,” katwiran ng aktor.

Hindi naman itinangging lumalabas na sila ni girl.

“Yes Tita, we're dating po, about four times na, dinner-dinner po,” sabi niya.
 
Ano naman ang masasabi ni Sylvia Sanchez sa bagong girl na dine-date ng anak?
 
“Nabanggit pa lang ni Arjo, hindi ko pa masyadong kilala kasi busy din ako sa 'The Greatest Love' taping, tapos marami rin akong lakad 'pag walang taping, si Arjo laging may tapings, bihira kaming magkita, so, hindi ko pa siya masyadong nakakausap.
 
“Wala naman akong tutol kung sino ang gusto ng mga anak ko, alam naman nila kung ano ang gusto ko, dapat marespeto sa lahat at siyempre maayos,” katwiran ng aktres.
 
Samantala, masaya si Arjo dahil halos lahat ng senior stars na imbitado sa party tulad nina Mr. Eddie Garcia, Jaime Fabregas, Albert Martinez, Agot Isidro, at iba pa ay saktong 7 PM dumating kumpara sa mga bagets stars.
 
Dumating din ang nag-iisang Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces na talagang nakipagkuwentuhan din sa lahat.
 
Ang mga artistang hindi kasama sa "AP" ay sina Gretchen Barretto kasama si Tony Boy Cojuangco, Billy Crawford, Coleen Garcia, Desiree del Valle kasama ang fiancé na si Boom Labrusca, Bryan Santos at girlfriend nitong si Marlann Flores, Olive Isidro (kapatid ni Agot), at iba pa.


Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.


The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
Tags: ArjoAtayde 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER