• Home
  • News
  • Reggee's Digest: Erik, ininahayag ang tunay na nararamdaman sa pagpapakasal ni Rufa Mae

Reggee's Digest: Erik, ininahayag ang tunay na nararamdaman sa pagpapakasal ni Rufa Mae

Bakit nga ba wala si Erik sa kasal ni Rufa Mae?

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

11/30/2016 in News
Reggee's Digest: Erik, ininahayag ang tunay na nararamdaman sa pagpapakasal ni Rufa Mae

By Reggee Bonoan


Habang naghihintay si Erik Santos sa dressing room ng "Tonight with Boy Abunda" kasama si Jonathan Manalo para sa promo ng "Kinse" concert ng huli sa Music Museum sa Sabado, Disyembre 3, ay tsinika namin siya at hiningan ng reaksyon sa pagpapakasal ng ex-girlfriend niyang si Rufa Mae Quinto noong Nobyembre 25.
 
Sabi namin kay Erik na noong nag-guest si Rufa Mae sa "Tonight with Boy Abunda" ay tinanong siya ng TV host kung bakit ngayon lang siya magpapakasal at anong nangyari sa mga dati niyang karelasyon at wala ba ni isa sa kanila ang nagyaya sa aktres.
 
Tanda naming sagot ni Rufa Mae, “kasi siguro Tito Boy tingin nila hindi ako dapat seryosohin kaya walang sumeryoso, hindi nila ako maintindihan kasi ayaw nila akong intindihin.”
 
Hirit kaagad ni Erik, “Ay ako seryoso, baka ‘yung iba, basta ako seryoso. Actually, nung nakita ko nga ‘yung (wedding) pictures, parang may konting (kirot) hindi dahil sa nagseselos ha, walang ganun, kundi parang, buti pa siya (ikinasal na).  May ganun akong naramdaman, pero masaya ako ha, sobra akong masaya para sa kanya.”
 
Inamin din ni Erik na pina-block niya ang petsang Nobyembre 25 kasi nga dadalo sana siya sa kasal nina Rufa Mae at Trevor Magallanes kaso hindi naman daw na siya ulit tinawagan. “Nagsabi na kasi before eh, hindi na ulit tumawag, nahiya naman na ako," sabi niya.
Sayang, bakit nga ba hindi sila nagkatuluyan ni Rufa Mae, eh, sobrang in love naman sila sa isa’t isa?

“Eh kasi bata pa ako no’n, 24 lang ako, tapos 30 na siya (Rufa Mae), so hindi ko pa naisip lahat ‘yun, ngayon gusto ko na, pero heto wala naman akong girlfriend,” pahayag ni Erik.
 
Kaya ang payo namin sa binatang singer na hintayin na lang niya si Angeline Quinto dahil sabi naman ng dalagang singer na sana kapag ready na siyang magpakasal ay nasa tabi pa rin niya ang special friend niya.
 
“Siguro, kasi as of now wala naman akong girlfriend, tingnan natin,” sabi ng binatang singer.

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.


The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
Tags: NULL 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER