• Home
  • News
  • Michael Pangilinan, mangiyak-ngiyak na nagsusumamo!

Michael Pangilinan, mangiyak-ngiyak na nagsusumamo!

Reggee's Digest: Michael, itinanggi na ginagamit ang anak!

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

11/27/2016 in News
Michael Pangilinan, mangiyak-ngiyak na nagsusumamo!

By Reggee Bonoan


Pigil ang luhang nagkuwento si Michael Pangilinan na sana man lang ay nakita at nakasama niya ang anak niya maski 30 minutos lang sa nakaraang birthday niya noong Sabado, Nobyembre 26.
 
Nagkaroon ng free birthday concert si Michael sa Rajah Sulayman Open Park, Manila noong Sabado.
 
Kuwento ng singer, “bago ako pumunta rito (Rajah Sulayman Open Park), isa lang ang pinagdasal ko, sana maghimala na, biglang i-akyat (stage).  ‘Yun lang po ang wish ko, sana makasama ko ang baby ko.
 
“Kung ayaw niya (ina ng bata) dalhin, ipasuyo man lang na ihatid niya o kaya ‘wag siyang bumaba ng sasakyan, okay na ako.
 
“Malaking bagay ‘yun, kasi birthday ko, debut ko, kasama ko ang anak ko.  ‘Yun ang buhay ko, ‘yung anak ko.
 
“Kung matino siya (ina ng bata), birthday nu’ng tatay ng bata, debut pa, ano ba naman ‘yung mag-effort siya. Maski 30 minutes lang (makasama ko ang anak ko).
 
“Kung may problema sila sa akin, o may problema tayo (patungkol sa ina), problema natin, tayo ang magharap, ‘wag mong idaan sa bata para saktan ako.
Napakasakit po, lagi akong umiiyak,”basag ang boses na paliwanag ni Michael.
 
Sabay sabing, “kaya happy birthday to me na lang.”
 
Sa paratang kay Michael na ginagamit niya ang anak para mapag-usapan siya.
 
“Hindi po totoo ‘yun, sa totoo lang, hindi ko kailangang sumikat.  Maski wala po akong show, hindi ako sumikat, basta’t kasama ko lang ang anak ko, kumakain kami ng tatlong beses sa isang araw, masakit lang po talaga,” sangga nito.
 
Agam-agam pa ni Michael, “magbi-birthday ang anak ko sa December 15, sana man lang makasama ko siya o maski na before kasi tiyak may party sila para sa anak ko, before man lang sa akin siya para naman ma-ipaghanda ko rin. Wag naman after December 15 kasi, wala ng saysay ‘yun.”
 
Lubos din ang pasalamat ni Michael kay Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada na kumanta sa birthday concert niya at sa pagbibigay sa kanya ng pahintulot at suporta para ipagdiwang ang free concert niya na ginanap sa Rajah Sulayman Open Park noong Sabado na dinaluhan ng halos lahat ng senior citizens ng Kamaynilaan.

Kabilang din ang anak ni Erap na si Jerika Ejercito na in-charge sa pagpapatayo ng magandang stage at malalaking lona para hindi mabasa ang mga manonood bukod pa sa mahabang tent na may air-conditioned para naman sa guest performers. At si Jake Ejercito na isa rin sa bumati sa may kaarawan.
 
“This is the best concert I ever had kasi nakapag-give back ako sa mga sumusuporta sa akin at ang ganda talaga ng venue, hindi ko akalaing ganito pala kaganda kapag inayos, hindi ko kasi ito gaano napapansin,” sabi pa ni Michael.

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.


The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER