• Home
  • News
  • Reggee's Digest Coco, nailang sa shower scene nila ni Vice?

Reggee's Digest Coco, nailang sa shower scene nila ni Vice?

Vice on Coco: "Siyempre, iba pa rin ang dating niya sa akin."

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

11/24/2016 in News
Reggee's Digest Coco, nailang sa shower scene nila ni Vice?

By Reggee Bonoan


Sa press conference ng "The Super Parental Guardians" kamakailan, kinuwento ni Primetime King Coco Martin na "Ang Probinsyano" boys ang orihinal na kasama sa pelikula, pero nung naikuwento niya ito kay Vice Ganda ay nagustuhan daw ng "GGV" at "It's Showtime" host ang konsepto kaya gusto na nitong sumali at ipinaalam nga raw ito sa Star Cinema.
 
Kaya naging "The Super Parental Guardians" na ang titulo ng pelikula dahil tatayo silang magulang ng mga batang sina Awra Briguela at Onyok Pineda.
 
Si Direk Joyce Bernal lang pala ang makakapagpahubad kay Coco para sa shower scene na ayaw na ayaw niya dahil naiilang siya.
 
“Siyempre, maski na kaibigan ko si Vice, naalangan pa rin ako kasi lalaki ako at saka ano (bakla) siya, so nakakailang pa rin,” natawang kuwento ng aktor.
 
Natawang banggit naman ni Vice, “maski na magkaibigan kami, siyempre iba pa rin ang dating niya sa akin, may pagnanasa pa rin.”
 
Samantala, hindi lang ang mamamayang Pilipino ang pinaaga ng Pasko nina Vice at Coco, maging ang entertainment press na dumalo sa grand press con ng "The Super Parental Guardians" sa Impressions Restaurant, Resorts World Manila ay umuwing magaganda ang mga ngiti bukod pa sa pabaong King Cup sardines, Gluta-C products, at Pigrolac shirt.


Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.
The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
Tags: ViceGanda  CocoMartin 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER