• Home
  • News
  • How Vice and Coco really feel about 'The Super Parental Guardians' exclusion from MMFF

How Vice and Coco really feel about 'The Super Parental Guardians' exclusion from MMFF

Coco and Vice remain strong, positive despite MMFF exclusion

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

11/24/2016 in News
How Vice and Coco really feel about 'The Super Parental Guardians' exclusion from MMFF

By Cheska Espina


The much-awaited Vice Ganda-Coco Martin movie "The Super Parental Guardians" this year is only six days away from its opening this November 30.

The comedy film, who people anticipated to be part of the Metro Manila Film Fest, was excluded from the final list of the annual event as announced  by the organization last Friday, November 18.

At the film's Grand Media Launch last Tuesday, November 22, lead stars Vice and Coco revealed how they really felt after hearing about it.

"Na-sad, syempre 'yun naman 'yung intensyon namin eh, sumali sa film festival. Pero ready kasi kami, kami tsaka 'yung Star Cinema, ready kami kung anong gagawin namin kung hindi masasama sa film fest. Hindi kami taranta, nakalatag kaming lahat at ready kami," Vice relayed.

The Unkabogable Star went on to explain why he cried after reading tweets about "#MMFF2016."

"Nung pag-uwi namin, pagkauwi ko sa bahay, nagbabasa ako ng Twitter tapos tiningnan ko 'yung mga tweets under dun sa hashtag na '#MMFF2016,' nakita ko 'yung tweets dun sa hashtag na 'yon puro tungkol sa pelikula natin ngayon, na nagre-react 'yung mga tao, parang hinahanap nila 'yung pelikula namin ni Coco this year, na parang nalungkot sila na nawala 'yung pelikula namin this year," Vice shared.

He added, "Sobrang nakaka-overwhelm, naiyak ako. Iyak ako nang iyak kasi nagkaroon ako ng realization na may maganda na pala akong naiambag sa mga buhay ng mga tao tuwing Pasko dahil hinahanap nila ako ngayong Pasko. Naging bahagi na pala kami ng Pasko nila, na gusto nila ngayong Pasko bahagi ulit kami, na malaking bagay sa kanila na hindi kami magiging bahagi ng Pasko nila ngayong taon na ito."

"Sabi ko 'Ay ang sarap nung feeling na, I was able to do something right. I was able to serve my purpose.' Kasi 'yun 'yung purpose ko eh, magpasaya ng tao, magpatawa, magpangiti, magpahagikgik, magpagaan ng pakiramdam. At 'yun 'yung naramdaman nila sa mga huli naming pelikula, kaya na-serve ko 'yung purpose ko."

"I was just so happy and itong pangyayaring ito na, mas napaaga ang pagpapakita natin sa kanila ng pelikula, it’s a big blessing. It is a very big blessing. Pinaaga nating 'yung Pasko at pinahaba," Vice ended.
Coco shared his bestie's sentiments.

"Nung nalaman ko talaga, hindi ako makapagsalita kasi lagi kong sinasabi, every time nagmi-meeting kami with Star Cinema, sabi ko kahit hindi ako gumawa ng isang pelikula buong taon, basta makagawa lang ako ng isang film for MMFF tuwing Kapaskuhan," he related. "'Yun naman talaga ang gusto kong gawin, bukod dun sa soap opera sa TV."

The Primetime King's sadness comes from his broken promise to child stars Onyok Pineda and Awra Briguela.

"Pinagako ko kasi sa dalawang bata, sinabi ko sa kanila, kapag gumawa ako ng film fest, isasama ko kayo tsaka si Pepe (Herrera). And then syempre tuwang-tuwa 'yung mga bata, ako dumaan ako sa pagkabata na lagi kong nilu-look forward kapag parating MMFF na manonood kami ng family ko ng movie, bonding 'yon.

"Tapos parang nung nakasali ako sa 'Feng Shui,' tsaka sa 'Beauty and the Bestie,' naramdaman ko 'yung saya kasi every year na nagpa-parade ka sa Roxas Boulevard, iba 'yung pakiramdam kapag nakikita mo 'yung tao, nakakapanayam ka dun sa mga tao ng personal, na nakikikita mong napakasaya nila habang nakikita ka. Tapos alam mo 'yung parang may maishe-share ka or parang may ireregalo ka sa Pasko, alam mo na. Lalo na 'yung ginawa namin sa 'Beauty and the Bestie,' tuwang-tuwa lahat ng mga tao, kahit na lagpas na ang Pasko, parang ang saya-saya pa rin nila," Coco shared.

The 35-year-old actor then related the purpose of their film.

"Nung binubuo namin 'yung pelikula, 'yun 'yung purpose namin, 'yun 'yung pinaghahandaan na alam namin na sa Pilipino, sa hirap ng buhay dito sa Pilipinas, minsan ang isang pamilya o isang tao, ang pinaghahandaan lang nila ay 'yung Pasko, at ang Paskong 'yun ay 'yung time para makapag-bonding sila ng pamilya nila.

"Kaya 'pag nag-uusap kami ni Vice, shinu-sure na namin na gusto namin na lagpasan o higitan 'yung mga nagawa na namin para hindi namin ma-disappoint 'yung mga manonood, lalung-lalo na pagdating sa comedy, kumbaga parang si Vice bahala sa comedy, ako bahala sa aksyon," Coco related.

In the end, Coco stressed that he believes everything happens for a reason.

"Hindi man kami nakasali, alam ko naman na may dahilan kung bakit. And then, sabi nga nila, may kasabihan na kapag may nagsaradong pinto, may magbubukas na bintana.

"And then para sa akin, ngayon, honestly, mas excited ako kasi parang feeling ko, na-reject man kami, pero ngayon mas nagbubukas na para sa amin, and then mas nilu-look forward namin ngayon na parang at least ang importante, sure tayo na maganda 'yung pelikula namin. 'Yun 'yung nagpapanatag ng loob ko ngayon," he relayed.

Co-starring with Vice and Coco in "The Super Parental Guardians" are Onyok Pineda and Awra Briguela.

The film, directed by Bb. Joyce Bernal, will be out in cinemas starting November 30!




The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph
Tags: ViceGanda  CocoMartin 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER